MMT ~ Chapter 2
Breanne's POV
"Osige na! Magsalita na yung nangtitrip sa text saken kagabi. " Sabi ko sa mga kaklase ko habang naka Poker face.
"Hindi ako." Sabay sabay nilang sabi sabay tawa. Pwera sa isa. Si Yohan. -_-
"Baka si VP, hindi nagsalita e. Hahahahaha." Pangaasar ni Marcus.
"Porket di nagsalita ako na agad? Di ba pwedeng wala lang talaga akong pake?" Bored na sabi nya.
"MARCUS AH! BAKA IKAW YUN LECHE KA." Sigaw ko.
"Hindi nga ako pres! Promise!"
"EDI HINDI! PAG WALA PA DING UMAMIN NGAYON LAHAT KAYO KASALI SA CLEANERS MAMAYA. KAYA KUNG AYAW NYO, MAGSABI NA KAYO KUNG SINO YUN."
"Hala! sino ba kasi yun? Umamin na uy!"
"Ayoko masama sa cleaneeeers!"
"Pres! Wag, ako na yun! kahit hindi."
UGH! Bakit wala pa ding umaamin? LECHEEE!
"Ano ba kasing sabi sayo pres? Ba't gusto mong malaman kung sino?"
Ayshems. Naalala ko tuloy yung huling text nya saken.
Secret. See you tomorrow. ;) Mag-ingat ka, magiging tayo pa. Goodnight, sweet dreams Bree. Dream of me. <3 :))
"UY BREE!" Natauhan ako ng tinawag ako ni Katsu.
"Ha? Ano?" Litsing text!
"Ano nga bang sabi kasi? Binlack mail ka ba? Ano?" HALA!
Hindi ko pwedeng sabihin sakanila yung sabi sa text, aasarin ako nyan pustahan tayo. Sabi ko sa isip ko.
"Eh bakit ba gust--"
"PFFT, HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Nagulat kami ng biglang tumawa ng malakas si Yohan.
BWISET 'TO! ANONG TINATAWA TAWA NETO? NAKO! PIGILAN NYO KO KOKONYATAN KO 'TO SA ESOPHAGUS SINASABI KO SAINYO.
