Chapter XXIII

79 5 0
                                    

Diwata ng Pagmamahal

David's POV

Natapos ang digmaan ang lahat ay masaya dahil nanalo sila sa naturang labanan, halos marami ang nasawi, karamihan dito ang mga sundalo at mga sibilyan. Kalunos lunos ang mga pangyayari halos marami din ang nawalan ng mga pamilya at kamaganak. Ang mga estudyanteng hindi pa masyadong gamay ang kapangyarihan at kakayahan ay napilitang lumaban at marami din ang mga napinsalang natamo nila sa naturang labanan. Halos parang patas lamang ang nangyari bagamat mas marami nga lang ang nasawi kaysa sa mga nakaligtas.

Dito ay tinulungan ko ang aking mga magulang upang mailigtas ang aming mga kababayan, mayroon dito na kung saan ay natabunan ng lupa kaya naman may mga alagang hayop na kung saan ay sinanay na sila upang mapabilis ang paghahanap sa mga taong natabunan ng lupa at mga kabahayan. Dito ko Nakita na Malaki talaga ang pakinabang kung may kapangyarihan ka, oo nga't nagkaroon kami ng mga kapangyarihan may ibang natuwa may ibang may ayaw. Kung baga balance lamang ang takbo ng aming lugar.

Nakita ko sina Arc, Bruce, Ana, Sarah at Alex na ginagamot dahil sa kanilang mga natamong sugat sa naturang digmaan. Napabuntong hininga nalang ako habang pinagmamasdan si Chris na tinutulungan ng mga medic na gumaling, subalit hanggang ngayon ay wala padin nangyayari. Ayoko mang sabihin pero ang sakit sa pakiramdam na yung mahal mo ay unti unti nang nawawala sayo dahil nadin sa naging labanan at alam ko na hindi na kaya pa ni Chris. Ayoko mang tanggapin siguro talagang dapat na akong sumuko sa pagasang magigising at mabubuhay pa si Chris.

Pinangako ko sa buhay ko na si Chris lang ang mamahalin ko ngunit siguro ay ganun talaga at kung hindi ka para sa kanya ay talagang mawawala sya. Masakit pero ano magagawa ko, mahal ko sya pero hanggang dito nalang ata talaga ang itatagal nya.

Maya maya ay tumingin sakin ang medic at umiling na ang ibig sabihin ay wala na talaga sya, dito ay nagsimula akong magpalahaw ng iyak dahil hindi ko matanggap na si Chris ay wala na, oo nga't naglaban kami pero ni minsan hindi ko inisip na masama si Chris kaya naman napakasakit sa akin na malaman na wala na talaga ito sakin. Gusto ko syang makasama pa ng matagal pero paano mangyayari yun kung ngayon palang ay wala na ito. Ang sakit sakit, parang binibiyak ang puso ko sa sobrang hapdi at kirot na kahit sino ay walang makakapagbuo nito. Hindi ko matanggap na hanggang dito lang ang pagsasama namin ni Chris, parang kailan lang kami nagkasama tapos ay ganito pa.

Habang umiiyak ako ay lumapit sakin ang mga kaibigan ko. Sina Bruce at Arc ay tinapik lang ang aking balikat samantalang si Ana naman ay niyakap ako ng mahigpit at sinabing "magiging maayos din ang lahat"

Tumingin ako sa kanya at sinabing " paano magiging maayos ang lahat kung ang kaisa isang taong minahal ko ay wala na" ang naluluha kong tugon habang nakapako ang aking tingin sa sahig at patuloy na dumadaloy ang aking luha sa aking pisngi.

"hindi ko masasabing mabilis magiging maayos ang lahat, pero tingin ko may pagasa pa" ang sagot nito kaya napatingin kami sa kanyang sinabi.

"paano magkakaroon ng pagasa? Kung ang mga medic na mismo ang nagsabi sa akin na wala na sya." ang tanong at sagot ko.

"naaalala mo pa ba ang sabi ng ina mo about sa bola ng pagmamahal?" ang sagot nito at dito ay naalala ko yung sinabi ng aking ina sa amin about dun sa kwento ng pagmamahal.

Flashback...

"ayon sa alamat ang bola ng pagmamahal ay bihira lamang lalabas sa tuwing may taong lubusan kung magmahal sa kanyang kapwa. Pero wala pang nakakapagpatunay ng sagradong bolang iyon dahil wala pa ang nakakapagpatunay na ito ay totoo. May sabi sabi na may kakayahan itong ibalik ang taong namatay na, NGUNIT isang beses lamang ito magagamit yun ay dahil nadin sa naging sakim ang ibang mamamayan sa nasabing sagradong bola ng pagmamahal. At tulad din sa kwento na may isang Diwata na nagbabantay dito umibig sya ngunit sya ay niloko lamang kaya naman bilang ganti ay naghiganti ito sa taong nanakit sa kanya kaya naman ang bola ng pagmamahal ay naging itim dahil sa kasamaan.

A Boy's EVIL Beauty(boyxboy)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang