Chapter IX

710 38 10
                                    

David's POV

Nakasakay padin kami hanggang ngayon dito sa dragon ni Live na si Zaphira. Nang biglang tumalon so Live sa bangin at si Zaphira naman ay lumipad muli at parang sa isang tagapagligtas ay sinambot niya si Live dahilan upang siya'y makasakay sa kaniyang dragon at lumipad paalis ng lugar na ito.

Habang lumilipad kami sa himpapawid, napansin ko yung iba kong mga kaibigan ay kapit na kapit sa kinauupuan nila at mukhang takot, yung iba naman mukhang masaya dahil parang nage-enjoy sila sa paglipad sa himpapawid.

At dahil nga sa nasa unahan ako ay natural nasa unahan ko si Live at dahil malapit lang ako sa kaniya, ay minsan nahahawakan ko siya kahit aksidente lang pero nakakaramdam ako ng tila kuryente sa buo kong katawan sa tuwing mapapadikit ako ng hindi sinasadya.

Maya maya ay tumigil na yung dragon at bumaba na sa lupa dahilan upang kami din ay bumaba na sa likod ng dragon. Ngayon kitang kita namin kung gaano kalaki ang dragon na alaga ni Live. Napakaganda niya, para siyang ahas na may buntot at may pakpak. Kulay asul pa siya kaya kapag natatapatan siya ng liwanag ay parang kumikislap kislap.

"Aaaah? Live nasan na tayo?" Tanung ni Arc. Mapapansin dito ang puro halaman, mga puno na matataas at may nagiisang bahay dito na parang kastilo sa mga kwento. Napakaganda sana nito kung hindi lang pinaglumaan na ng panahon, wala na siguro nakatira dito.

"Nandito tayo sa teritoryo ko. Pasensya na kung kailangan ko maglihim sa inyo. Ang totoo niyan nageespiya ako kay master. Kailangan ko makakuha ng mga impormasyon laban sa kaniya. Kailangan ko malaman kung ano ang kahinaan niya. Pero totoo na namatay na ang magulang ko at siya ang may kasalanan nun. Di ko lang pinahalata na alam ko na ang totoo dahil mawawala lahat ng iyon sa plano namin." Sagot ni Live at dito ay lumabas ang isang lalaking nakasuot ng puting kasuotan na parang isang magician. May hawak siyang parang baton na pinanggagalingan ng mahika niya.

"Live buti nakauwi ka ng ligtas" ang nakangiting sabi nung matanda. Ng bigla siyang napatingin samin kaya napakunot ang noo nito at nagwika.

"Sino naman ang mga kasama mo Live? Kakampi ba sila o kalaban?" Ang dagdag pa nito.

"Wag ka magalala maestro, sila ay kakampi natin at mga kaibigan ko sila" ang sabi ni Live at tumingin sa samin at ningitian kami, kaya napangiti nadin kami.

"Kung ganun, ako nga pala si maestro romano isa akong mabuting mangkukulam, pero kadalasan isa din akong magician." Sabi nung matandang lalaki na ang pangalan ay maestro romano.

"Tawagin niyo nalang akong maestro"ang dagdag pa nito, maputi ito nakasuot din ng sumbrero mahaba ang balbas at may bigote nadin ito. Nakasalamin din siya at may hawak na libro, medyo maliit lang siya ng kunti siguro hanggang balikat ko lang siya.

"Tara pasok kayo sa kastilyo at ihahatid ko kayo sa inyong tutulugan" ang sabi ni Live kaya nagpatianod kami, pero bago siya pumasok may kung anong mahika siyang ginawa at sinunod ito nung dragon.

Es pilibus mantos hibreyo

At dito ay biglang lumiit yung dragon at naging isa itong malaking aso parang werewolf lang siya at kulay itim pa. Nakakamangha!

Napatingin sa gawi ko yung malaking aso at biglang tumakbo papunta sakin kaya nagulat ako, pumatong siya sa ibabaw ko at dinilaan ako sa mukha kaya nga tawang tawa ako dahil natutuwa ako sa asong ito.

"Zaphira!" Ang sigaw ni Live kaya ang aso ayun umalis na sa ibabaw ko at tumayo nako mula sa pagkakahiga ko.

"Ang bait pala ng alaga mo Live at nakakatuwa siya" ang nakangiti kong sabi kay Live habang nakatingin kay Zaphira na ngayon ay pumasok na sa loob ng kastilyo.

A Boy's EVIL Beauty(boyxboy)Where stories live. Discover now