Chapter XIV

256 12 2
                                    

This story is about to begin for their fantasy battles. It will comes from the power kung saan sila nababagay.

For the meantime, while i was doing this story i was mesmerized of the song. Please click the video..

While playing.... What can you say about the song and the video?

.....................................

Nandito kami ngayon sa loob upang umpisahan ang ritwal na gagawin sa mga magkakaibigan na sina David, Sarah at iba pa. Habang ako ay nakabantay lang at nakamasid sa mangyayari.

Unang sumabak ay si Sarah nagliwag ang crystal at kumislap ng kulay asul na ibig sabihin ay simbolo ng tubig.

Bale ang kapangyarihan na makukuha ni Sarah ay kapangyarihan ng tubig may isang taong nakakapagpagalaw ng tubig.

"Wow! Ang ganda naman!!" Ang sabi ni Sarah lumitaw ang tubig mula sa crystal bumuo sila ng hugis bilog at unti unti itong nababasag hanggang sa nabasag nga ito at dumapo kay Sarah. Lahat ng tubig na natamaan sa katawan ni sarah ay unti unti naglalaho dahil pumasok na ito sa katawan niya mismo.


"Anong nangyari?" Tanong ni anna.


"Pumasok na ang isang elemento sa katawan ni sarah ibig sabihin may kakayahan syang kumontrol ng tubig" ang sagot ko.


"Talaga?" Ang sagot ni Anna.

Tanging pagtango lang ang isinagot ko tapos sya na ang sumunod sa magkakaroon ng kapangyarihan.

Muling umilaw ang crystal nagpakita dito ang kulay pink. Pinapahiwatig na may kakayahan syang magpagalaw ng mga bulaklak. May kakayahan itong palakihin at patubuin ng malalaking bulaklak.

Lumabas dito ang isang gintong bulaklak unti unti itong nagiging abo ang hitsura hanggang sa nadurog nga ito ng pinong pino lahat ng mga kumikinang na gintong kulay ay pumasok sa iba't ibang parte ng katawan ni Anna.




Lahat kami ay namangha muli sa kapangyarihang taglay ng dalawang kababaihan na kaibigan namin ang isa ay tubig at ang isa ay halaman bagay na bagay sa kanila ang mga kapangyarihan na bigay ng crystal.



Sunod naman ay si Arc, sa grupo sya ang pinaka matalino at matatakutin pero alam kong malakas din sya pero mabilis siyang kumilos at tumakbo.


Sa pangatlong pagkakataon umilaw muli ang crystal at pinakita dito ang kulay violet, pinapahiwatig na sya ang may kapangyarihan ng hangin. Dahil sa bilis at liksi niya sa pagkilos nararapat lang na sakaniya mapunta ang isa sa elemento ng kapangyarihan.


bumuo ng ipo-ipo ang hangin at dinala ng hangin si arc paikot ikot sya hanggang sa biglang naglaho ang hangin, dun lang namin nalaman na habang umiikot at dinadala sya ng hangin ay pumapasok na ito sa katawan ni Arc hanggang sa maglaho na ito. Pinapahiwatig nito na dapat kayang buhatin ni arc ang sarili katulad ng bilis at liksi ng hangin.



Tuwang tuwa naman si arc sa kaniyang nakuhang kapangyarihan. Kakaiba dahil kahit na mahina sya eh mabilis sya.

Sumunod si Bruce. Umilaw ulit ang crystal at ang ilaw naman ay kulay brown. Nung una lahat kami nagtaka bakit ganun ang kulay pero may lumitaw na bato sa harapan niya nakatutok ang matulis at dulong bahagi ng bato dahil nakahugis ito ng tatsulok



Natakot silang lahat dahil baka ikamatay to ni bruce dahil humugis ito na parang isang matulis na sandata, ilang saglit pa ang bato ay nadurog sa malalaking bato at pumalibot ito kay bruce dumikit ang mga bato at biglang natunaw. Namangha kami sa nakita namin. Pinaliwanag naman ni maestra ang nangyari ang mga batong natunaw kay bruce ay mga dyamanteng bato na kung saan ay pumasok ang kulay nila kay bruce. Na syang binigay nila ang kapangyarihan.

Lahat sila ay napa "ahhh" nalang sa sagot at muling tumingin sa mga kukuha muli ng kapangyarihan. Samantalang ako naman ay napairap nalang sa nangyari.



Ngayon ang huling kukuha ng kapangyarihan ay walang iba kundi si David, hmmm?? Ano kaya ang tinatagong kapangyarihan mo drake? Kung totoo ngang ikaw ang nakasaad sa libro dapat kong malaman kung ikaw ba ang magiging harang sa mga gusto kong makamit.



Tumungo si david kung saan naroon ang crystal umilaw ito ng sobrang liwanag, kaya nasilaw kaming lahat, pumikit ako dahil sa tindi ng liwanag ni hindi ko makita ang nangyayari sa kaniya. Hanggang sa unti unti itong nalulusaw at nawala ang liwanag, pero nakapagtataka dahil walang lumabas na kahit anong elemento na kapangyarihan mula sa crystal?

"Anong nangyari? Bakit walang lumalabas sa Crystal?" Takang tanong ni Bruce.

"Marahil pinapahiwatig ng Crystal na di pa nya masabi kung anong nararapat na kapangyarihan ni David?" Ang sagot at patanonv ni Arc.


"Hindi dahil ang kapangyarihan na nakamit ni David ay walang iba kundi ang Liwanag" ang sagot ni Maestra Glemma.

"Parehas pala kayo ng kapangyarihan Chris, sayo nga lang ay dilim" dugtong pa nito na syang ikinainis ko sa loob loob ko. Kung ganun malaki ang magiging impact sakin ni David sa hinaharap? Hindi pwede baka maging sagabal lang sya sa mga plano ko!


"Ahh opo parehas kami ni drake kaibahan lang sakaniya liwanag samantalang sakin naman ay dilim" ang sagot ko.

"Ang alam ko may kasulatan para sa ganyan diba maestra glemma?" Ang tanong ni pinunong salamander.

"Oo sa pagkakaalam ko malaki ang magiging bahagi niyo sa isa't isa" sagot naman nito.

"Talaga po???" Ang natutuwa't nabibiglang si David sabay tingin sakin. At ang kaso pa nito ay malaki pa ang ngiti na nakapaskil sa mukha niya.

"Bakit ganyan ang ngiti mo david?" Ang napipikon kong tanong.

"W-wala naman hehe"ang sagot nito sabay kamot sa likod ng ulo na para bang napahiya sa ginawa niya.

Napairap nalang ako ng wala sa oras, saka lumabas ng silid. Pagkalabas ko ay nadun na agad ang isa sa mga kinaiinisan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Ang tanong ko.

"Wala naman bakit bawal na bang tumambay ha Chris?" Ang pamimilosopong sagot ni Lando.

"Di ka pwede dito bawal ka dito!" Ang matapang kong sagot.

"Alam kong masama ka talaga Chris, at alam ko ang lahat sayo kaya wag mo ko subukan kung ayaw mong malaman ng lahat ang katotohanan" ang sagot nito na ikinainis ko. Oo matagal na niyang alam ang lihim ko na kampo talaga ako ng kadiliman pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ako mabuti. Oo masama ako kaya ako nandito ay para maghiganti sa mga taong pumatay at tumaksil sa mga magulang ko! Hindi nila alam ang totoong ako maliban kay Lando na nadiskubre niya ang lahat ng sikreto ko dahil matalik na kaibigan ko sya noon. Pero dahil traydor sya ay naparusahan ako at nakulong ng ilang buwan.


"Pagbabayaran mo ito tandaan mo yan!" Ang sagot ko sabay balibag ng pinto.

Itutuloy....
....................................
A/N. Hellow!!! Sorry sa looooooooong update ha? Nagkaproblema kasi sa bahay then nagkaroon pa ng sakit ang pinsan ko need ko pa naman syang alagaan kaya lalong nadelay ang update ko.

Buti nalang bakasyon na namin ngayon hehe august pa ang pasukan namin kaya buti nalang din at mas lalo akong makakapag ud on time depende din kung napagtripan ko hahahaha sorry!

Salamat nga pala sa mga taong naghintay at patuloy na naghihintay ng update ko. I appreciate all your efforts charot!

Btw, irecommend our group chat on facebook. It's a group chat that made of kuya Adamant for readers and authors. BXB and GXG readers and authors only hehe pwede din naman yung hindi basta open minded kayo about sa same sex relationships.

If all fo you are interested kindly inform me tru private message on wattpad thank you!

A Boy's EVIL Beauty(boyxboy)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt