Chapter X

540 30 9
                                    

David's POV

Pagkagising ko sa umaga ay parang ang sarap ng pakiramdam ko, parang wala akong problemang kinakaharap ngayon. Parang ang gaan ng pakiramdam ko, di ko alam kung bakit pero yun talaga ang nararamdaman ko ngayong umaga. Kaya halos mapakanta nalang ako sa aking kama dahil sa masayang araw na aking nadarama.

"~pagkagising sa umaga
ang dami mo pang muta
Kukunin na agad ang camera
sabay kukuha ng litrato kahit hindi pa nagsipilyo
makuha lang ang tama mong anggulo
ayoko niyan burahin mo yan
ang taba ko yata jan
Eto nalang kasi naman mas payat naman akong tingnan
Sabay capture ng 'magandang umaga jan'~"

"Sa kainan nakita mo
Ang ulam niyo tortang talong
Kukunan mo ng litrato
kahit sobra ng gutom
Tapos ia-upload at ise-share mo dun sa dun friends mo
Sabay tanung anong ulam niyo
Tara kaen tayo"

"Magaling ka palang kumanta" ang biglang sabi ni Live, kaya napabalikwas ako sa aking higaan dahil dun. Kaya dali dali akong tumayo at tumingin sa kaniya, ako nalang kasi ang naiwan dito sa kwarto dahil yung iba ay mga lumabas na at bumaba na upang kumaen ng almusal.

"N-na-narinig mo?" Ang utal utal kong tanong sa kaniya.

"Kung hindi ko narinig edi sana di ako nagsalita" pilosopong sagot ni Live.

"S-sorry" hinging paumanhin ko sapagkat napahiya ako.

"Okay lang, pwede ka ba ulit kumanta?" Ang nakangiting tanong ni Live.

"Ah... Eh.. Ano.. Kasi di ako magaling kumanta" ang bulong ko na umabot hanggang sa pandinig ni Live.

"Ayos lang kahit di ka magaling kumanta, ang mahalaga diba binabahagi mo ang talentong mayroon ka?" Ang nakangiting sagot ni Live.

Ewan ko lang ha, pero sa tuwing ngumingiti si Live lalo siyang gumaganda. Para siyang anghel na dinala sa lupa eh. Mas lalong nakakainlove siya kung tutuusin kakaiba siya.

"Ah....eh.. Oo" tsk! Bakit ako nauutal sa kaniya?? Nakakahiya baka isipin niyang may gust-- teka? Anong gusto ano ba tong iniisip ko, nakakainis.

"Halika bumaba na tayo para makakaen kana din" ang nakangiting sabi ni Live, kaya sabay na kami bumaba sa kama at dumiretso sa pinto palabas ng kwarto.

Habang pababa kami dinig ko ang mga tawanan ng aking mga kaibigan parang wala kaming dinadalang problema eh noh??

"Oh andiyan na pala ang prinsipe!" Ang pangaasar ni Bruce.

"Oo nga, oh mahal na prinsipe hayaan mong pagsilbihan ka naming mga lingkod mo. Hahahahaha!!" Sabat naman ni Ark, tss!! Palibhasa masasarap ang mga pagkaeng nakahain ngayon sa lamesa. Bale ang mga putaheng nasa lamesa ay may halong nakakadiri na ewan? (Di naman totally na nakakadiri para kasi siyang exotic foods na kakaiba)

"Di mo ba gusto David? Pwede naman natin palitan kung anong gusto mo eh" ang biglang sabi ni Live sa kanan ko, kasi nga magkasabay kami bumaba kaya natural lang na magkatabi kami ngayon. Bale ganito ang posisyon naming lahat sa hapag kainan.

David -> Live -> Bruce -> Arc -> sarah -> Kent
----------------------------------------------------
Master Romano-> Ace-> Master Delma->Lily -> Ceis

Yan ang pagkakasunod sunod ng mga upuan namin sa hapag kainan, sina Ace, Lily at Ceis ay isa din sa mga katulad nila Master Romano na bihasa din sa mahika yun nga lang ang kanila ay panlaban lamang. Halimbawa: si Ace ang kapangyarihan niya ay sa Metal at Lupa, si Lily naman sa Tubig at Halaman, si Ceis naman sa Apoy, Kidlat, at Hangin. Mas matanda kasi si Ceis kina Lily at Ace kaya tatlo ang kanyang kapangyarihan.

A Boy's EVIL Beauty(boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon