Chapter VIII

673 42 0
                                    

Lyra's POV

Pagkatapos magkwento ni Live about sa past niya, masasabi kong mabaet nga ang master niya. Sa kabilang banda masama din dahil gusto niya na maging masama si Live, kung baga babaguhin niya ang pagkatao ni Live. Pero ano ang dati niyang pangalan? Di niya kasi nabanggit habang nagku-kwento siya.

"Ahm... Live? A-ano ang pangalan mo dati?" Tanung ko.

"Chris" ang sagot niya

"Ang ganda pala ng pangalan mo dati!" Ang sabi naman ni Sarah.

"Oo maganda nga... Pero ibang tao na ako ngayon kaya balewala na din ang dati kong pangalan. Di na bagay sakin dahil di na ako yung dating Chris na kilala ng lahat" ang malungkot niyang sagot.

"Ganun ba? Pwede mo bang sabihin samin kung ano pa ang mga kwento mo?" Ang tanung naman ni Bruce.

"Wala na ko masasabi pa" ang tugon naman nito.

"Ok lang yun diba mga kasama?" Ang aking sagot na siyang sinangayunan ng lahat.

"Live pahinga kana dun sa taas. Maguusap lang kami ng mga kaibigan ko" ang nakangiting sabi niya kay Live.

"Sige." Ang sagot ni Live saka siya tumayo sa kinauupuan niya at umakyat patungo sa kaniyang kwarto na tutulugan.

....................................

David's POV's

Ngayon naiwan na kami ng aking mga kaibigan at wala na si Live saka na kami nagusap usap. At napansin ko na mukhang tense ang lahat nung nagkukwento si Live. Mukhang marami ang naantig sa kwento niya.

"So...? Naniniwala ba kayo sa kwento niya?" Tanung ni Ark.

"Ako oo naniniwala ako sa kaniya di naman siguro siya magsasabi ng ganun ng walang dahilan diba?" Ang sabi ni Lyra.

"Kahit ako naniniwala din. Pero parang may kulang na detalye sa kaniyang sinasabi?" Ang sagot ni david.

"Ano naman ang kulang na tinutukoy mo?" Ang tanung ko naman.

"Di niyo ba napapansin? Bawat salita niya halatang di siya nakakaramdam ng kalungkutan, parang nagsasabi lang siya. Diba lahat naman ng tao kapag may hinanakit sa kanilang nakaraan nagiging emosyonal? Kung masaklap ang nakaraan niya diba dapat nakakaramdam siya ng sakit at galit? O kaya ay lungkot at pagkamuhi?" Ang mahabang paliwanag ni David.

Well tama naman si David, pero di dapat namin husgahan ng basta basta si Chris na ngayon ay Live na ang pangalan. Bagay sa kaniya ang bago niyang pangalan pero maganda ang dati niyang pangalan.

"Maaaring tama ka dun david, baka nakakalimutan mo kaya wala na siyang emosyon yun ay dahil binago siya ng kaniyang master diba? Natural lang na parang nagbabasa ng tula si live dahil sa mga pinagdaanan niya" ang mahabang sagot ni ark.

"Hay! Kung sa bagay may tama ka naman dun. Eh ano na ang plano mo ngayon drake? Nadito na siya nailigtas na natin ano na gagawin mo?" Ang sagot at tanung ulit ni David.

"Di ko pa alam" sabay kibit balikat ko sa kanila. "Bahala na siguro kung ano ang su----" ang dugtong ko pa pero hindi ko natapos dahil sa isang malakas na pagbagsak.

BLAAAAAG!

"Ano yun?" Ang tanung ni Sarah sabay biglang patay ng mga ilaw. Kaya ang mga babae ay biglang nagsisigaw.

"Teka titingnan ko sa labas" ang suwestiyon ko.

"Sasama kami! Ayoko magisa"ang sabi ng lahat kaya, lahat din kami ay lumabas.

Hinanap ko yung generator ng ilaw namin para magkailaw kami kaya siguro namatay ang ilaw dahil brownout.

*kapa *kapa *kapa

A Boy's EVIL Beauty(boyxboy)Where stories live. Discover now