Chapter XVIII

99 4 2
                                    

Chris POV

Habang tinuturuan ko si David, ay halatang hindi pa nya gamay ang paggamit ng kapangyarihan pero ganun pa man parehas kaming malakas kung sana ay naging kakampi ko nalang si David malamang mapapasunod ko na ang mundo. Pero sa tuwing nakikita ko ang ngiti ni David, ay parang gusto ko nang bawiin yun. Di ko maintindihan ang sarili ko, kakaiba ang nararamdaman ko dapat hindi ko ito maramdaman dahil sya ay kalaban ko at sya ang pupuksa sa aking mga plano pero... Ano kaya magagawa ni David kung sakaling malaman nya ang katotohanan tungkol sakin?

Di bale, alam kong magagawa kong pikutin siya lalo na't obvious namang may gusto ito sakin. Di man halata pero malakas ang pandama ko sa paligid, kahit kailan di pa ko nagkakamali. At sisiguraduhin kong makukuha ko si david di man nya magugustuhan ang plano ko ay wala na ko pakialam. As long as magtatagumpay ako magagawa ko na lahat!

..............................................

Nagawa na ni david kontrolin ang kapangyarihan nya nakakagawa na sya ng kanyang shield at bukod pa dun nagagawa na din nyang bumalanse habang nasa ere.

Infairness kahit medyo matagal ang pagtuturo ko sa kanya paunti unti na nyang natututunan ang pagiging gamay sa kapangyarihan nya.

Marunong na din syang gumawa ng sandata, sa loob ng isang buwan naming pageensayo masasabi kong marami na ang pagbabago sa buhay ng mga mortal na ito. Lalong lalo na kay David magaling na sya sa lahat.

Sina arc, bruce, sarah, at anna ay ganun din, napakagaling na nila sa paggamit ng kapangyarihan. Never kong naisip na kahit mga mortal sila eh may ibubuga din sa larangan ng pagaaral ng kapangyarihan.

Ngayong nadito padin kami sa Training hall ay masasabi kong pwede na sila sumabak sa isang labanan. Di naman literal na laban kung baga friendly competition kung sino ang mas malakas, mabilis, at mahusay sa paggamit ng kapangyarihan ay mabibigyan ng isang malaking premyo. Kung saan pwede nito hilingin ang kahit na ano maliban sa pag-ibig. Dahil hindi kayang kontrolin ang salitang pagmamahal. Kaya yun lamang ang hindi nila kayang ibigay.

Pero may isang kasulatan sa isang libro, dito nakatago kung sino ang may kakayahang baguhin ang tadhana. Kahit ang pagibig. Ngunit dahil sa pagiging sagrado nito ay walang pinahihintulutang makapasok o makapagbasa ng nasabing libro. Kung mayroon mang magbabasa ay hindi rin maiintindihan ang sulat dahil iba ang language o ang nakasulat dito. Dahil dito walang may kakayahang gamitin ang kasulatan kahit ang mga eldest at ang hari at reyna hindi rin magamit.

Ayon sa mga kwento...

Narration POV..

Ayon sa Kwento ng mga nakatatandang magician bago nagkaroon ng tinatawag na magical world may isang babaeng diwata na palaging pumupunta sa mundo ng mga mortal, marahil nagagandahan sya sa mga kasuotan, karangyaan at kaingayan sa lugar. Hindi tulad sa kanyang mundo na walang batas, at walang kasiyahan puro pageensayo lamang ng kapangyarihan ang nagagawa nya. Pinapalakas niya ang kanilang kapangyarihan upang magamit nya ito laban sa mga masasama.

Si lilia isang diwata ng pagibig, sya ang namamahala sa kanyang 4 diamonds. Isang pula, asul, lila at dilaw na diamante ang kanyang inaalagaan. Pero may isa pa syang diamante na hindi nya masyadong tinutuunan ng pansin, at ito ang itim na diamante. Ang pula ay tinaguriang simbolo ng puso, samantalang ang asul naman ay simbolo ng pagunawa. Ang dilaw ay simbolo ng pagasa at ang lila naman ay simbolo ng kagandahan. Samantalang ang itim naman ay simbolo ng pagkasira. Sa pagibig, ang mga diamante ay nagliliwanag sa mga taong umiibig. Lumalabas ang kulay ng kanilang puso kung ano ba ang simbolo ng pagibig nila sa kanilang kapareha. Halimbawa: ang taong umiibig ay naging mahigpit sa kanyang nililigawan to the point na nasasakal na at wala na sa lugar ang pagmamahal nya. Umiilaw ang diamante sa puso nito ng kulay itim. Na ibig sabihin ay nabubulag na sya sa sobrang pagmamahal nya sa taong kayang iniibig. Sa halip tinutulak nya ito palayo at lalong dumidilim hanggang sa makagawa ito ng kasamaan sa kapwa nya. Hindi katulad ng dalawang nagiibigan, sa dalawang magkasintahan kapag sila ay nagmamahalan ang puso nila ay umiilaw nang apat na kulay ng diamante na ibig sabihin ay parehas sila ng nararamdaman sa isa't isa. Balanse at walang sobra at walang kulang. Sapat para pagkatiwalaan nila ang isa't isa.

Habang nagmamasid si lilia ay may nakabungguan ito at nainlove. Hindi maalis ni lilia sa isipan ang binatang kanyang nakita. Kaya nagdesisyon itong baguhin ang kapalaran ng binatang kanyang nakilala. Isinulat nya ito sa kanyang libro upang doon nakasalaysay ang kwentong pagibig nya. Ginamit nya ang kanyang mga diamante upang mapunta sa kanya ang binatang minamahal nya. Nakipagkilala ang binata at naging magkaibigan sila. Isang araw nagtapat ng nararamdaman si lilia sa binata ngunit dahil nga sa kakakilala lamang nila hindi alam ni lilia na niloloko sya ng binata. Ginamit nya si lilia upang pikutin lamang at matikman. Binigay ni lilia ang lahat sa binata pero niloko lamang sya at sinaktan. Dahil sa sobrang lungkot nito ang apat na diamante ay unti unti nang nawawalan ng liwanag. Nanghihina ito hanggang sa tuluyan na itong mawalan ng ilaw, labis ang sakit at lungkot ni lilia sa nangyari kaya gumanti si lilia sa binata, sinira nito ang buhay pagibig nito sa iba.

Dahil sa ginawa nya nasira ang kaayusan ng pagibig. Ang pagibig na iniingatan nya noon ay tuluyang nawasak. Labis ang pagsisisi nya sa kanyang nagawa kaya magmula noon nilagyan nya ng kakaibang mahika ang mga diamante at libro nya kung paano makokontrol ang pagibig. Binago nya ang mga kasulatan sa libro upang walang makabasa. Tanging makakabasa at makakagawa lamang nito ay ang taong may busilak na puso ang makakagamit ng kapangyarihan ng pagibig.

End of the story.

May mga eldest na nagsasabing darating ang taong makakapagbasa at makakapagayos ng kapangyarihan ng pagibig. Hindi nila alam kung kailan darating ang taong iyon ngunit hindi nawawala ang pagasa nila na muling maisasaayos ang kapangyarihan ng pagibig.

.........................
A/N.

So this is it! Sorry if now lang ako nag-update sobrang busy sa school dahil graduating ako. Sa next chapter baka gawin kong action or romance and scene. Not sure pa, pero i'll try to put those.

Anyways hows my story? Hahahaha i'm not good at making story pero i will always try my best para magustuhan nyo.

Please leave a comment or suggestion para sa next chapter :)
Merry Christmas to all
See yah. ;)

A Boy's EVIL Beauty(boyxboy)Where stories live. Discover now