Chapter XII

517 30 11
                                    

Live / Chris' Pov

Ang dami na naming dinaanan, pero ang nakapagtataka dahil hanggang ngayon ay nasa gubat padin, dati naman hindi napakadali ngang makalabas ng gubat, pero ngayon parang may mali.

Sa pagkakaalam ko, tama ang direction ng aming pinupuntahan subalit pahaba ng pahaba ang nilalakaran namin at halatang nililigaw kami-- teka? Nililigaw? Tama! Baka nga may salamangkero na nandidito upang kami ay lituhin sa aming destinasyon. Halata naman kasi na nililigaw kami dahil tama ang direksyon na tinatahak namin pero napakatagal namin ito nilalakad. Kaya hindi impossible na may salamangkero na nandidito upang iligaw kami.

"Live pansin ko lang kanina pa tayo palakad lakad at parang kanina pa tayo dito sa pwesto nating ito. Parang di tayo nakakaalis eh. Naliligaw naba tayo?" Ang tanong ni Arc.

"Hindi tayo naliligaw, may taong salamangkero dito kaya tayo ay paulit ulit sa pwesto natin. Gamit ang mahika nito kaya niya tayong manipulahin sa bawat minutong nilalakad natin, ngayon napansin mo ang iisang direksyong nilalakad natin subukan mong lagyan ng marka alin man sa punong yun para malaman natin kung nanggaling ba tayo dun o umulit ulit tayo sa dating pwesto natin." Ang sagot ko na siyang sinangayunan ni Arc.

Nilagyan ng marka ni Arc ang puno sa unahan namin na simbolo ay ❌malaki ito para nakikita namin pag kami ay naglalakad papunta dun. At pagkatapos ay sinimulan muli namin ang paglalakad. Sa ngayon mayroon na kaming palatandaan na dun kami nanggaling.

Habang naglalakad, minamasdan at pinapakiramdaman ko ang paligid. Kailangan kong maging alerto sa anumang gagawin ng salamangkero samin, lalo na ngayon at di pa marunong ang mga kasamahan ko sa pakikipaglaban o kahit mahika wala pa silang alam. Kailangan kong masiguro na ligtas silang makakapunta sa aming paaralan.

Muli kaming nanggaling sa pinaglagyan ng marka ni Arc at nakita din nila na bumalik kami sa aming pinanggalingan. Confirm na may salamangkerong nanliligaw samin.

"Eto yung markang nilagay ni Arc diba?" Tanong ni Sarah.

"Oo yan nga!" -Arc. "Ibig bang sabihin nililigaw talaga tayo?" Dagdag pa nito.

"Oo tayo na, ako nang bahala" ang sagot ko nalang at dun kami dumaan pabalik sa lugar na dinaanan namin.

Tahimik namin nilalakad muli ang kahabaan ng gubat at habang naglalakad ay may nakita akong nakasilip sa mga sanga ng puno. Halatang nagtatago ito sa kulay palang ng mga halaman upang di siya makita pero sorry ka nalang kasi na HULI KITA!

Agad kong nilabas ang isang patalim at hinagis papunta sa salamangkero, at ayun! SAPUL! natamaan siya sa kaniyang paa.

"ARRRGH!" Sigaw nito.

Nalaglag ito mula sa sanga ng puno at bumagsak sa lupa, agad ko siyang nilapitan upang bigyan pa ng isa pang malakas na mahika upang di niya magamit ang kaniyang mahika. Malapit na ko sa kaniya nung napansin ko ang mukha niya. At hindi ako pwedeng magkamali, siya yung kapartner ko sa akademya!

"IKAW!?" Ang sabi naming pareho.


"Live!!" Sigaw ni David, tumakbo siya papunta sa kinalalagyan ko at tiningnan kung sino yung pinatama ko ng armas ko.

"David! Lumayo ka dito! Wag kang lalapit!" Ang sigaw ko.

"Grabe ka naman sakin Chris para naman di mo ko kilala ah" ang sabi nito sabay pakita ng pagngisi nya. Tss! Kung alam ko lang na may binabalak ka talaga.

"Oo kilalang kilala kita Lando. Kilalang kilala" ang madiin kong wika, dahil lubos ang pagkamuhi ko sa kaniya. Dahil nung tournament dati sa halip na nanalo ako eh dinaya ako ni lando para sya ang manalo. Kaya halos gusto ko na syang patayin nun dahil sa kagagawan niya.



A Boy's EVIL Beauty(boyxboy)Where stories live. Discover now