Chapter 20: Bagay kayo?

Start from the beginning
                                    

"Yieee... Para kayong tunay na artista._"

"Nakakakilig sina Jiro at Kyle bilang Nicole and Renz."

"Kayo ang iboboto namin para sa fashion week."

"May chemistry sila Jiro at Kyle."

"Sana sila nalang."

"Kayo nalang Kyle and Jiro."

"Kyro....kyro...kyro."

"KYRO....KYRO..."

Sigawan nila haggang sa lumabas. Nahihiya pa nga ako pero at the same time masaya sa pakiramdam dahil natapos ang movie ng maganda at natapos ang isang buwang paghihirap namin.

"We did it guys." Masayang sabi ni Sam kaya napangiti kami.

"Best team tayo..." Sigaw ni Aaron.

"Best love team sina Kyle at Jiro." Sigaw ni Bryle kaya nakatanggap sya ng batok galing kay Jiro. "Aray naman." Maktol nya.

"Group hug." Sigaw ni Gail kaya naggroup hug kami.

"Hyper forever?" Tanong sakin ni Jiro.

"Haha hindi naman, masaya lang." Sagot ko.

"Pero infairness, magaling kang umarte." Sabi nya.

"Ikaw den kaya." Sabi ko.

"Ah, nagtheater ako dati eh." Sabi nya.

"Ah, nagwork shop naman ako." Sabi ko.

"Wow. Cool." Sabi nya kaya nagtawanan kami.

"Masaya kayo no?" Biglang sabi ni Daryl kaya napatingin sa kanya at nagulat kami kasi may mga ngisi silang kakaiba.

"Hay nako. Tara ng magtrabaho." Sabi ko kaya nagtawanan na naman kami. Akbay akbay kaming naglakad nina Gail at Sam palabas ng auditorium.

"Tres maria's tayo." Sabi ni Sam kaya kumunot ang noo ko.

"Ano yun?" Inosente kong tanong.

"Haahaha.. Ang tres maria's ay isang group na tatlo lang sila." Sagot ni Gail kaya ngumiti ako bilang pagsangayon.

Nagpatuloy kami sa ginagawa  namin pagkatapos. Si Miss ay nanood din. Maraming natuwa, marami ding may gusto at higit sa lahat ay maraming kinilig samin ni Jiro. Sinabi din nila na kami ang iboboto nila para sa fashion week. Ngiti at salamat lang ang sinasagot namin ni Jiro.

Matapos ang maghapon na pagpapanood sa students ng movie ay bumalik kami sa room dahil may sasabihin daw si Miss Zin. Pagpasok namin ay sya ding pagdating ni Miss.

"Hi students. Maraming salamat sa tiwalang binigay nyo sakin para sa movie-ng ito at natutuwa naman ako that all of you has a great work pero may may isang nagstand out para sakin na movie." Sabi ni Miss na grabe ang ngiti.

'Who?'

"That's Samantha's group." Sabi ni Miss kaya gulat na gulat kami.

"Woah!" Sabi nalang ni Samantha.

"Please stand up the group of Samantha." Sabi ni Miss kaya ngingiti ngiting tumayo kaming lahat.

"We did a great job, guys." Bulong ni Jiro.

"I'm impressed by your movie, The Right Time. It's too much fun, tragic and romance. I'm so happy because all of you had a great job. Natuwa ako, na-amaze ako, nagandahan ako at kinilig ako." Puri ni Miss sabay tingin samin ni Jiro.

"You two, have a chemistry." Ngiting sabi ni Miss samin ni Jiro kaya nag-iritan ang mga kaklase namin.

"Yess Miss."

"Bagay kayo talaga."

"Cute together."

Sigaw yan ng mga kaklase namin.

"Kayo ba'y mag-jowa?" Tanong ni Miss pero hindi ko naintindihan.

"Uh, Miss hindi pa po." Sagot ni Jiro.

"Ano yung mag-jowa?" Bulong ko kay Jiro.

"Mag-boyfriend or girlfriend." Sagot nya kaya nagulat ako.

"Ah, Miss hindi po." Sagot ko din.

"Eh bat sabi ni Jiro, hindi 'pa' po? So, that means magiging kayo?" Sabi ni Miss kaya natigilan kami pareho at nagkatinginan at sabay natawa.

"Hindi po talaga, Miss." Sabi ni Jiro.

"Sus." Sabi ni Miss tsaka natawa.

"Kasali pala kayo sa botohan bilang love team for the year." Sabi ni Miss kaya tumango kami. "So class, that will be all. Thank you." Dagdag ni Miss at pumunta sa pinto pero bago umalis ay tumingin sya samin ni Jiro at may sinabing nagpatigil na naman samin.


"Bagay kayo."





Bad Timing Of LoveWhere stories live. Discover now