Parang hindi na nito nararanasan ang saya ng kabataan dahil sa akin.

"Mag bihis ka na baby." Biglang sabi ko.

"Bakit po nay? Saan po tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni duke.

"Diba gusto mong mamasyal? Taraa!" Natatawang sambit ko at kita ko naman ang pagbalik agad ng sigla sa mga mata nito.

"Really nanay? WAAAHHH! THANK YOU NANAY ILOVEYOUUU!" Tuwang-tuwang sabi nito sabay takbo pabalik sa kwarto para siguro magpalit ng damit.

Ako naman ay hindi na magpapalit dahil okay na ako sa damit ko. Isang fitted jeans at blue blouse ang suot ko.

"Nanay let's gooo!" Excited na sabi ni duke sabay hatak sa akin kaya mas lalo akong natawa sa itsura niya.

*After 25 minutes*

25 minutes ang tinagal ng byahe bago kami makarating sa isang mall dito na malapit lamang sa park.

"Nanay tara na pooo!" At hinila hila ulit ako ni duke.

Nagpatangay nalang ako dahil kitang kita ko naman sa mukha ng anak ko na masaya talaga siya ngayon.

"Saan ba gustong pumunta ng baby ko?" Tanong ko sa kanya.

"Nanay sabi ko naman sayo don't call me baby when we're in public!" Kakamot-kamot sa ulong suway sa akin ni duke.

"At bakit naman hindi? Baby kita!" Nakangusong paliwanag ko.

"Nanay! When we're in public I'm not your baby! I'm your boyfie okay?" Natawa naman ako sa pagkademanding ng aking anak.

"Boyfie? Really?" Natatawang tudyo ko dito.

"YES!" Madiin nitong sigaw kaya humagalpak na ako ng tawa.

"What are you laughing at nay?! It's not funny!" Bugnot na bugnot nitong sambit.

"Sorry na po baby este boyfie pala. Natatawa lang kasi si nanay kasi magkadikit na ang kilay mo." Natatawang paliwanag ko.

Totoo iyon. Mas lalo nitong nagiging kamukha si lu-- nevermind.

"Don't laugh okay? Let's go play at quantum." Sabi ni duke kaya natatawa akong tumango at inakay siya papuntang quantum.

At naglaro lang doon si duke. Tuwang tuwa pa ito kada nakakakuha ng madaming ticket.

Hindi nagtagal ay natapos na ang bulilit at nag-aya ng kumain. Mukhang ginutom ito sa sobrang pag-lalaro.

"Saan mo gustong kumain boyfie?" Tanong ko.

"I want jollibee!" Tuwang-tuwang sabi niya.

"Jollibee nanaman? Nagmumukha ka ng bubuyog kakakain noon." Pang-aasar ko dito at gaya kanina bigla nanaman itong sumimangot.

"But i want it!" Parang boss na sabi niya.

"Okay po sir," sambit ko at pinaupo na siya sa isang table doon.

"Wag kang aalis d'yan okay? Pipila lang si nanay" paalala ko kaya tumango ito.

Hindi ako nag-aalala na iwan ito dahil matalinong bata si duke at alam kong naiintindihan niya ang sinasabi ko.

Agad na akong pumila at ng makabili na ako ng pagkain ay dali-dali akong bumalik sa pwesto namin at nakita ko doon si duke na busy lang sa kakatingin sa kung saan saan.

"Baby here's your food." Agad atensyon ko dito.

Agad ako nitong sinamaan ng tingin kaya natawa ako.

"It's boyfie not baby!" Masungit na pagtatama niya kaya tumango tango nalang ako.

Masaya kaming kumakain ng biglang tumayo si duke kaya napatingin ako sa kanya.

"Nanay pupunta lang po ako sa c.r" paalam niya.

Tatayo na din sana ako ng pigilan ako nito.

"Wag na po nanay, kaya ko pong mag-cr mag-isa bigboy na po ako." Pagmamalaki niya kaya kahit nag-aalala ay pinabayaan ko na siyang pumunta mag-isa sa c.r.

Alam ko naman na alam ni duke ang ginagawa niya.

Pero ganoon nalang ang pag-aalala ko ng sampung minuto na ang nakakalipas ngunit hindi pa din ito bumabalik.

Nag-aalala na ako kay sinundan ko na siya sa c.r.

Pero ganoon nalang ang takot at pag-aalala ko ng malaman na wala si duke doon.

Halos maikot ko na ang buong mall pero hindi ko pa din makita si duke.

"Ma'am may nakita po ba kayo na batang lalaki? Naka red po siyang damit at khaki short at white rubber shoes." Tanong ko sa ginang na nakasalubong ko pero umiling lamang ito at sinabing hindi niya nakita si duke.

Tuluyan na akong napaiyak sa sobrang takot na nadarama.

Hindi ko kakayanin kung pati si duke mawala pa sa buhay ko. Hindi ko alam kung kaya ko pang mabuhay kung pati ang ka-isa isa kong sandalan ay mawawala pa.

*Paging for the mother of Duke Theo Ramirez please proceed to paging department *

*Again paging for the mother of Duke Theo Ramirez please proceed to paging department*

Dahil sa narinig ko ay halos lipadin ko na ang daan papuntang paging department.

Ganoon nalang ang laking ginhawa ko ng makita ko doon si duke na may kasamang lalaki na nakatalikod.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa anak ko at napaiyak ng tuluyan na itong mayakap.

"Saan ka ba nagpunta? Papatayin mo ba si nanay sa pag-aalala?" Pagalit na tanong ko habang umiiyak.

"Sorry po nanay, madami po kasi ang nakapila sa c.r doon sa jollibee kaya po naisipan kong maghanap ng ibang Comfort room but i lost." Paliwanag ni duke kaya tumango tango ako.

"It's okay baby, just don't scare mommy like that okay? You'll be the death of me." Natatakot na sambit ko.

"Yes po nanay promise po hindi ko na po uulitin, buti nalang po ay nakita ako ni tito pogi at dinala ako dito." Paliwanag ni duke kaya napatingin ako sa lalaking tinuturo niya.

At halos atakihin ako sa puso ng makilala kung sino ang lalaking tinutukoy ng anak ko.

Alam ko naman na dadating ang araw na magkikita kami ulit pero bakit sobrang bilis naman ata?

"So you're his mother huh? By the way I'm glad that you're back Ms.Ramirez." Sambit ng lalaking hindi ko inaakalang makikita ko ulit pagkalipas ng limang taon.

"Luci.." Mahinang sambit ko sa pangalan niya.

***

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now