Chapter 55: Downfalls

782 50 4
                                    

TWO days left, wala pa rin nakai-iingkuwentro si Saeko. Dahil hindi na gumagana ang hologram, tila nangangapa siya sa dilim. Hindi niya alam kung ilan pa rin ang natitira sa isla o kung buhay pa ba si Deus. Thinking those possibilities made him worried even more.

Pakagat na ang dilim at hindi siya makapaniwalang bukas na ang huli araw ng laro. Dala ng pagkabagot, inilabas niya ang dagger mula sa kaniyang likuran. Isinaksak niya ito sa malambot na lupa pagkatapos ay pinagmasdan. Gusto na niyang matapos ang lahat.

Tahimik lamang si Saeko sa kaniyang ginagawa. Dahil sa kaniyang iniisip ay hindi na niya namalayan ang dahan-dahang paggalaw. Huli na noong maramdaman niyang may malalakas na braso ang sumakal sa kaniyan mula sa kaniyang likuran.

Sinubukan niyang gumalaw, ngunit masyadong mahigpit ang pagkakasakal nito that made him unable to move. Nagtutubig na rin ang parehong mga mata niya habang sinasabayan ito ng pamumula ng kaniyang mukha. Batid niya'y naipit ang ilang ugat niya sa leeg.

He was dying. Anumang oras ay malalagutan na siya ng hininga. He can feel the fast beatings of his heart. Sinikap niyang abutin ang dagger mula sa lupa. Ramdam niya ang unti-unting pamamanhid ng mga daliri niya.

Sa tulong ng kaniyang malikot na binti, nag-slide ang dagger malapit sa kaniyang direksyon. Nang mahawakan nito ang handle belly ng dagger, hindi na siya nagdalawang isip na saksakin ang brasong nakasakal sa kaniyang leeg.

Ang nakapagtataka ay wala siyang narinig pagdaing o anumang senyales na nasaktan ito sa kaniyang ginawa. Ilang ulit niya itong sinaksak bago siya tuluyang makawala. The gold blood splattered on his face. He was struggling to breathe habang nauubo.

Dahil sa panlalabo ng kaniyang mga mata mula sa luha, hindi niya nakilala kung sino ang gumawa nito. Nawala na rin ito sa dilim. Saeko coughed for the last time hawak-hawak pa rin ang dagger.

Pinunasan niya ang dugo na kulay ginto sa kaniyang mukha. It was from a male Alpha. Could it be Deus? No. That's impossible. He knows Deus' scent very well. Malayo ito sa amoy niya.

"It could be Marcus," Saeko snapped. The missing puzzle pieces were complete. Malinaw na sa kaniyang isipan na maaaring si Marcus ang sumakal sa kaniya. But where is he?

Napalingon siya mula sa kanlurang direksyon nang makarinig siya ng kakaibang kaluskos. It was so strange to think na simpleng hangin lamang ang dahilan nito. The place was covered with an eerie ambiance. It was like he's in the last pit of Underworld. Agad hinigpitan ni Saeko ang pagkakahawak niya mula sa dagger at mabilis na tumayo.

"Long time no see, Hail Mary."

Awtomatikong nanlaki ang mga mata ni Saeko nang hindi niya inasahang susulpot si Vina mula sa likuran ng isang puno. Wala itong hawak na anumang armas ngunit kapansin-pansin ang kakaibang ngiti ng dalaga.

Saeko clenched his jaws. Kung kailan palubog na ang araw ay saka sila magpapakita sa kaniya. Nakakinis.

"If you're planning do something, do it. Huwag na nating patagalin 'to," he confronted Vina.

Mukhang nagulat ang dalaga. Napaikot ng mata si Saeko. How dramatic. She's obviously just faking it. Mag-iisang buwan na siya sa isla. Masyado nang gasgas ang mga ganitong setups para sa kaniya. Kung hindi siya agad aatakihin ay idadaan muna ang lahat sa biro. They will insult him until he can no longer control his anger until he'll lose focus that will lead him to his own distraction.

"Looks like you studied your lessons, ha," Vina said with an insulting tone. "Ganiyan mo ba ako tatratuhin after what we've been through?"

"Shut the fuck up. We just know each other's fucking name. Magkakilala lang tayo sa loob ng Olympus. So if you're assuming that we have something special, you can stop right there," Saeko replied. "and dig your own shit inside your fucking mouth."

Olympus PrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon