Chapter 03: Irresolute

3.4K 151 19
                                    

SAEKO

"HOLY SHIT!" I cursed out of my frustration nang makaapak ako ng malambot na bagay. It sent shivers down my spines. Itinaas ko ang kaliwang paa ko. Shit. Dito ko nakumpirmang nakaapak nga ako ng literal na shit. I sighed. Is there anything that's much worse than this day?

Napahilamos ako ng mukha dahil sa patong-patong na kamalasang patuloy na dumadagan sa likuran ko. Samu't saring mga bagay na rin ang tumatakbo at naglalaro sa aking isip gaya nang kung tatanggapin ko ba ang inaalok ni Gaston sa akin o hindi. Isa pang nagpapasakit sa aking ulo ay kakaunting oras at araw lamang ang ibinigay niya upang makapagdesisyon ako ng pinal.

Muli akong napahilamos ng mukha. Ano ba 'tong gulong pinasok ko?

Kinabig ko ang halos sira-sirang sedura ng pinto. Dito bumungad sa akin ang maliit na gawa-gawa sa pinagtagpi-tagping piraso ng iba't ibang parte ng bahay. Kahit pa ilang beses akong magpabalik-balik ay hindi na talaga ito magbabago. Walang kuryente at halos lampara lamang ang bumubuhay sa liwanag ng munti kong tahanan. Tulad ng sinabi ko ay ako lang ang nag-iisa at bumubuhay sa aking sarili simula nang mapagpasyahan kong umalis at maging independent mula sa bahay-ampunan.

Narinig ko ang pagkalam ng aking sikmura. Kumuha ako ng baso ─ na napulot ko noong mapadpad ako sa iba pang karatig bayan, bago ito walang alinlangang pinuno ng tubig pagkatapos ay nilagok diretsyo sa aking kumakalam na sikmura. Ganito ang pamumuhay sa amin. Maaaring simple sa pangangailangan ng iba, ngunit isang malaking hamon para sa mga nakatira sa ganito kahirap na lugar. Kung sino pa ang higit na nangangailangan ay sila pa iyong mga pinagkakaitan. Kung sino pa dapat ang inuuna ay sila pa itong inilalagay sa dulo. Ano nga ba ang maaasahan mo sa mga mayayaman? Imbes na maipamahagi nila ang kakaunting meron sa kanila ay mistulang kawalan na ito ng dangal kapag nadikit ang mga balat namin mula sa kanilang makikinis at malilinis na katawan.

Inilabas ko ang mga karton mula sa kinalalagyan nito. Pinagpatong-patong ko ang mga ito sa malamig na sahig na nagsisilbing isa sa mga pundasyon ng bahay. Isa pang paraan upang mapaglipasan ng gutom ay ang matulog. Kung nagugutom ka, itulog mo na lang. Kung nahihirapan ka na, itulog mo na lang. Kung nasasaktan ka na, itulog mo na lang. Sa madaling salita, ang pagulog ay panawid sa kahit anumang bagay at sitwasyon.

There are a lot of things that can you can consider while you're asleep. Kahit sa panaginip mo lang nagagawa ang lahat ng mga gusto mo, ang importante, naranasan mong maging masaya kahit panandalian lamang ito. Ngunit mukhang hindi yata ako nito mahimbing na makakatulog. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin maalis sa aking isipan ang pakiusap ni Gaston. Dapat bukas, mayroon na akong maisasagot sa kaniya. Iyong sagot na paninindigan ko habang-buhay. Alam kong kapag natapos na iyon ay tapos na rin kami ni Gaston.

Kinabukasan. Nagising ako sa malalakas na katok mula sa kabilang pinto. The frail door almost fell dahil sa kalumaan at karupukan nito. Napansin kong hindi pa tuluyang nagpapakita ang araw mula sa labas ng bintana. Masyado pang maaga.

"Teka lang," kunot noo kong sigaw pagkatapos ay nag-ponytail ng maputi at medyo may kahabaan kong buhok. Did I mentioned earlier na ako lang ang may ganitong kulay ng buhok sa lugar namin?

Mabilis kong inalis ang mga dumi na nakapaligid sa aking mga mata pagkatapos ay tuluyang nang ibinukas ang pinto. Namilog ang aking mga mata nang bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Gaston. That face is what I hated the most. Nakita ko na ang ngiting iyon dati. At hiniling ko na sana hindi ko na ito makitang muli. Napansin ko ring nagiging agaw pansin na ito sa mga kapit-bahay dahil kilala ito bilang isa sa mga miyembro sa lugar namin.

"So what's your final answer?" ang agad na bungad niya nang hilain ko siya papasok. Tsk! Puwede ko naman siyang puntahan na lang at doon sabihin ang sagot ko.

Olympus PrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon