Chapter 32: Deceit

2.3K 108 25
                                    

SAEKO

KEILAH secretly handed me a dagger under the table. Pinagmasdan ko ang bagay na iyon mula sa ibaba. It's the same dagger that Processor Lucca used against me when we were in the cave. I looked at her, nonverbally asking.

"Professor Lucca forgot to gave you this."

Nakalagay ito sa isang belted na scabbard. Bahagya ko itong ibinukas bago nagliwanag nang matamaan ng ilaw. Patago kong isinuot ang scabbard malapit sa taas ng binti ko bago muling inayos ang suot kong evening dress.

"I don't need to explain any of that thing. You know the drill," she reminded me. Of course I do. Hangga't maaari ay huwag kaming gagamit ng mana upang maiwasan ang anumang uri ng eskandalo.

Napatango ako pagkatapos ay iniwan niya ako upang bumalik na sa mga kagrupo niya. Napahugot na lamang ako ng hangin at itinuloy ang pagmamanman sa buong paligid.

Mag-iisang oras na akong naglalakad-lakad. I saw those Semidivines. It seems that they're having fun most of the time. Except kay Arah na nakaupo lang mula sa sulok. Mukhang hindi siya nag-e-enjoy.

Paminsan-minsan ay tumitigil ako dahil may ilang kalalakihang nag-aalok sa akin ng inumin. Pero agad ko rin silang iniiwan kapag alam kong negative sila. Men are born polygamous. But women can be deceivers. On this game, I'm playing the deceiver. That's why Professor Lucca made this tactic. To make me the bait. Naramdaman ko may tumabi sa akin. Nilingon ko ito. It was Grace. Halatang hapung-hapo siya dahil kumpara sa amin ay kanina pa siya nagsimula.

"It's all clear."

She sounds exhausted. I gave her a cup of nectar. Agad niya naman itong tinanggap at mabilis na tinungga. Napansin ko ang pagpikit niya bago niya ito malakas na inilapag mula sa maliit na lamesa. Medyo mataas ito kaya hindi na namin kailangan pang umupo.

"Are you okay?" I asked. Napasapo siya ng mukha pagkatapos ay walang buhay na napatango.

"Yeah."

Hinimas ko ang likurang bahagi ni Grace. Parang pagod na pagod siya. I tapped her back.

"Stay here. Ako muna ang sasama kay Theodore," pagpapaalam ko. Muli siyang tumango pagkatapos ay tuluyan ko na siyang inabandona. Napabuntong hininga na lang ako habang dahan-dahang umiiling. She's too dry. I can sense her triteness, and it made me feel upset seeing her like that.

Bumungad sa akin ang mag-isang rumurondang si Theodore. Napangiti siya sa akin bago bumeso. Bumulong ako sa kanya.

"Hey, chicken boy."

Napansin ko ang pagkunot ng dalawang perpektong kilay niya nang magtama ang paningin namin. I've barely known that expression. Tulad nang lagi kong nakikita kapag sinusubukan ko siyang asarin gamit ang pangalang ibinigay ko sa kanya dahil sa nakatutuwang tainga niya. Chicken boy.

"Chicken boy? Really!? Oh come on, Saint. You know I'm better than that."

I smirked pagkatapos ay inilihis ang usapan. "Nagpalit muna kami ni Grace ng area. So for now, tayo ang magkasama," I informed. Sandaling nalipat ang atensyon ko mula sa tumutugtog na orchestra.

Olympus PrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon