Chapter 53: Hunt

950 62 20
                                    

SAEKO decided to wash his body with running waters. Kumakain siya ng pinitas niyang lingonberry habang binabanlawan niya ang mga natamong galos at sugat. Some of his wounds got even open dahil sa nangyari. Good thing for him there were few organic herbs left inside his bag. It's a little funny how he ended up using those stuff in just two days. Guess he'll be needing a lot more.

Maliwanag ang tirik ng araw ngayong hapon sa isla. Aside from the dry grounds that's burning his feet, mainit ang singaw ng hangin. Kung kagabi ay halo basa ang buong paligid, ngayon naman ay tila sinisigaan sa init ang bawat malagpasan nito.

Saeko felt his dry throat. Pakiramdam niya ay natutuyo ang sariling laway sa bibig papunta sa lalamunan. Sinubukan nitong maghanap ng ilog. Ngunit mukhang imposible itong makakita dahil halos bilang lamang ang puno na kaniyang nadaraanan. He was exposed for too much and it's completely dangerous dahil the chance of getting caught is high. Katatapos niya lang makipaglaban sa tatlong Silvers and he's not sure if kakayanin pa ng katawan niya gayong patuloy nanunuot sa kakaibang sakit ang kalamanan niya. It's like he's been tortured for days.

Malayo-layo na ang nilakbay ni Saeko mula sa lugar kung saan siya pansamantalang nanuluyan. Masyadong malawak ang isla para sa kaniya. Kung patuloy siyang maglalakad ay kukulangin ng linggo para tuluyan niyang malibot ang kabuuan nito. Halos makalimutan niya na ring nag-e-exist pa pala ang kaniyang relo. Naghanap siya ng lilim bago ito binuksan.

Pagbukas ng hologram ay tumambad agad ang mga pangalan ng kasali pa rin sa laro. Una niyang napansin ang pangalan nila ni Deus. Kasalukuyang may sixty secured points ang dalawa na sinusundan naman ng pangalan ni Marcus na mayroong twenty points. Samantalang napunan naman ng parehong sampung puntos ang pangalan nina Vina at Arthur habang nananatiling bakante pa rin ang ibaba sa pangalan ni Zeim-isang Silver.

Huminto ang tingin ni Saeko nang mapansin ang pangalan ni Jhuno sa ibaba. Kasama nito ang mga pangalang Bella, Locki, Emman at Pheme. Kung hindi siya nagkakamali ay hanay ito ng mga nagaping Olympians.

Saeko felt nothing. Hindi siya makaramdam ng tuwa o kalungkutan. For him, celebrating their death won't help anything. Maybe the assurance was there, but the fact that this game is not yet over, to think that Deus and the other Alphas are still lurking on this place, walang dahilan upang maging panatag at gumaan ang kalooban.

Muli siya nagpatuloy sa paglalakad. Ibinaling na lamang niya ang sarili sa ibang bagay upang hindi maramdaman ang matinding pagkauhaw. Kailangan niyang tiisan ang lahat ng ito. Tutal, sanay naman siyang magpalipas ng gutom noong mga panahong normal pa ang kaniyang buhay sa bayan.

Iniisip pa lang niya ito ay gusto na lamang niyang matapos ang lahat at tuluyang bumalik sa dating tirahan. Nasa plano na ang lahat sa oras na hirangin siya bilang Olympus Prime Title Holder. Wala na siyang pakialam kung pilitan man siya muling pag-aralin ng Headmistress sa Olympus. Pagkatapos ng lahat nang ito ay muli na siyang mamumuhay bilang isang simpleng mamamayan ng bayan.

Natigil siya sa pag-iisip nang mahagip ng kaniyang paningin ang bulkan. Hindi tulad ng ibang bulkan, ang isang 'yon ay mukhang aktibo dahil sa makakapal na usok na pinakakawalan nito. It looks dangerous to go further. To avoid any conflicts, napagpasyahan niyang mag-iba ng direksyon. He's now heading to the West.

The atmosphere suddenly changed the moment he reached the woods. The temperature dropped. It was like another dimension. Hindi niya lubos maisip kung paano nagkasya sa isla ang mga ganitong lugar. Sa bawat direksyon ay tila nahahati ito sa iba't ibang hanay. Ngunit mas mabuti na ito kesa bumalik siya sa mainit na parte ng isla at tuluyang mamatay sa matinding panunuyo ng lalamunan. He might die in heatstroke.

Olympus PrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon