Chapter 49: Olympic Prime

1K 59 9
                                    

AFTER Saeko's encounter from the child of Aether, the god of light and atmosphere, he continued his way through the bushy forest.

Right now, there are eleven Alphas visible on the hologram. Kasalukuyang nangunguna ang pangalan ni Deus na mayroong thirty secured points at sinusundan naman ng pangalan ni Saeko na may sampung puntos. The rest of the Alphas ay nananatiling bakante pa ang ibaba ng kanilang mga pangalan (Arth, Finn, Theodore, Jhuno, Marcus, Vina, Raven, Althea).

He was a bit sad when he didn't saw Keilah and Alphy's names on the screen. He didn't know what happened to them. Nakasama pa niya si Keilah bago ito napunta sa isla. Too bad hindi na nila naabutan ang laro.

At the bottom, there are four unfamiliar names, including Danielle's, habang walang makikita ritong kahit anumang sign ng points. They are the ones that were killed earlier.

Nananatili ring bakante ang hanay ng mga Silvers. May mga mangilan-ngilan kilala at natatandaan si Saeko mula sa kanila. There's Eloie, Pheme, the bitch from the Hall who spread the rumors about him, Emman, Locki, and Strike. The rest of the Silvers (Zeim, Boa, Lilith, Bella, Yuno) ay hindi na niya kilala. He just know them by their faces and not by their respective names.

Sa paglalakad niya patungo sa gubat, nakaramdam siya ng panunuyo ng lalamunan. Agad niyang sinuri ang lugar ngunit wala siyang nahanap na puno ng buko. Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon, nakarinig siya ng lagaslas ng tubig.

The sound was loud enough to reach his ears. It seems like the odds are in favor with him. There, he found a river that freely runs by fresh waters.

Out of his thirst, agad itong pumuwesto upang sumalok ng tubig. This is more convenient lalo na kung gusto niyang maka-survive sa laro. Hindi man ito gano'n kalinis, tulad ng kaniyang iniinom sa Olympus, para saan pa ang hirap na kaniyang dinanas noong mga panahong walang-wala at naninirahan lamang siya sa bayan.

Bawat pagkakataon ay may katumbas na panahon. Hindi ito ang panahon upang mag-inarte at mamuhay nang hindi nahihirapan. Ngayong nakatayo na siya sa kaniyang pangarap, gagawin niya ang lahat upang umuwi nang buhay dala-dala ang titulo upang maging pinaka-bagong Olympus Prime Title Holder.

When he felt satisfied, pinunasan niya ang kaniyang sarili gamit ang sleeves niya. Tumingin muli siya sa paligid. Batid niya'y unti-unti nang kumakagat ang dilim. Nararamdaman niya na rin ang kakaibang lamig dulot ng kagubatan.

He checked his watch. 5:49 pm. Saeko needs a place to stay-a safe one. It's really dangerous dahil anumang oras ay pansamantalang mawawala na ang kaniyang mana. To rest means not letting your guards down. Kaya hangga't maaari ay iyong lugar na hindi madaling mapansin at maikukubli siya sa kahit anumang tao o halimaw na mayroon ang isla.

Nag-isip si Saeko nang mabuti. Maaaring prioridad ng karamihan ang mga kuweba sa gubat na ito, kung mayroon man. Mas malaki ang probability na may maka-engkuwentro siya kung sa lupa siya magpapalipas ng gabi dahil ito ang pinaka-basic na paraan. Kung sa mga puno nama'y nakikita niyang second option ito para sa mga kritikal mag-isip.

For the nth time, he tried observed the forest. Kailangan niyang makahanap ng paraang wala sa itinurong subject nilang Basic Survival Ed.

Mula sa pinaka-masukal na parte ng gubat kung saan pinaliligiran ito ng mga ilang patay na dahon, napansin niya ang nakatumbang katawan ng puno. Wala na itong mga dahon tulad ng pangkaraniwang pigura ng isang puno ngunit, mukhang ang mga lumot at ilang malalaking kabute sa paligid nito ang patuloy na lamang nagbibigay sigla sa kulay ng magaspang na kahoy.

Olympus PrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon