Chapter 35: Overthrown

1.5K 81 21
                                    

SAEKO

"DON'T be a loser, Saeko. Fight me!" Jhuno desperately exclaimed habang sinasalag ko ang kanyang mga tira gamit ang hawak kong shield. Tuluyan ko na siyang hinarap bago nagtira ng distansya mula sa kanya. Pinag-aralan kong mabuti ang ibinibigay niyang expression sa akin. Alam kong sa mga oras na ito ay naiinis na siya.

"Minamaliit mo ba ako?" she asked in a low, dangerous voice. Mukhang may matindi siyang pinanghuhugutan dahil ramdam ko ang bawat salitang binibitawan niya. May halo itong panggigigil at... galit.

"No," I replied firmly. Napakunot ang noo niya. She looks pissed to be honest.

"Then get yourself a revenge! Attack me, you foolish piece of dirt!"

Napahigpit ang paghawak ko sa mahabang katawan ng spere dahil sa mga huling sinabi niya. She's trying to trigger me. Alam kong sinusubukan niyang ako ang maunang sumabog at mag-first move sa aming dalawa. Seems logically impossible pero hindi na sa akin bago ganitong uri ng tactic. Instead na gantihan ko siya sa mga pang-iinis niya, nagpakawala na lamang ako ng isang nakaiisultong ngiti. Iyong ngiting nagsasabing you know who's the piece of shit between us. And guess what, it looks like I succeeded because she's now preparing her retaliation. Hindi sa pagyayabang ngunit mukhang kilala ko na ang mga katulad niya sa pamamagitan lamang ng maiksing panahon. Marami akong kilalang katulad niya. Iyong mga tipo na konting kibot ay parang malaking kasiraan na ito sa pagkatao nila.

Mabilis kong inihanda ang sarili ko para sa pagsalubong ni Jhuno. She fled towards my direction before panic seized her, becoming afflicted with temporary madness, destroying herself with requite. Here she goes...

"You don't deserve to live. I swear to the gods and goddesses, I fucking hate you!"

Bago paman lumapat ang hawak niyang sandata sa suot kong gear, sinabayan ko nang mag-bend sa likod ni Darkus upang salubungin siya sa pamamagitan ng pag-ilag pababa rito. Mistulang bumagal ang takbo ng oras habang dahan-dahang dumaan sa katawan ko ang spere ni Jhuno bago ito lumagpas sa mukha ko. Nang makakuha ako ng magandang pagkakataon ay ginamit ko ang buong lakas at puwersa ko upang kabigin siya sa likod gamit ang flat na dulo ng spere without even facing her. Naging klaro sa pandinig ko ang malakas niyang pagdaing, indikasyon na unti-unti na siyang bumubulwak paibaba.

Jhuno is wipeout. One down, Saeko.

Nakita kong papalapit sa akin si Grace. I can still recognize her because some of her features are familiar to me already. S'yempre, kasama na rin ang kulay ng gear niya. Akala ko ay aatakihin niya ako. Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang itaas niya ang dalawang pares ng kamay niya mula sa ere, nangangahulugan lamang na malinis ang hangarin niya sa akin. But still, I didn't let my guards down. Mahirap na.

"I have an agreement for you," walang paligoy-ligoy niyang saad. Pansamantalang nag-iba kami ng lokasyon ng lugar upang hindi mapansin. Alam kong may iba pa ring nagmamatyag at ayaw mapunta sa bottom rank.

"What is it?" tanong ko sa kanya. Sandaling napatigil kami nang marinig namin ang sigaw ni Theodore. He's obviously wipeout from the game because of Althea. Muling bumalik ang atensyon namin mula sa isa't isa at ikinubli ang aming sarili.

"Let's strategize and execute," she blurted. I gave her a puzzled look.

"What do you mean?"

Napansin kong napaikot siya ng mga mata. Ibang-iba talaga ang mga ipinapakitang ugali ni Grace tuwing may mga ganitong activity. It's like she's having a counterpart of herself. Altered and different. Well, I can't blame her because we have our own sides and edges. It's how we stand and express ourselves in a good or in a bad way. Pagalingan na lang magdala.

Olympus PrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon