HEARTBEATS O3O

54 2 0
                                    


HEARTBEATS O3O
| The Last Beat |

╰☆☆ THIRD PERSON ☆☆╮


Ilang araw nang nagkukulong si Yena sa loob ng kanyang kwarto. Halos hindi na rin kumakain kung hindi daldalhin sa kanyang kwarto ang pagkain.

She sighed. Walang magagawa ang pagmumukmok niya. Binitawan niya ang picture frame na naglalaman ng litrato nilang magpipinsan noong bata pa sila saka tumayo upang magpalit ng damit. She's going to take a little walk outside.

Nagpaalam siya sa kanyang ina at napayagan naman ito basta huwag masyadong lalayo at babalik bago gumabi.

Isinuot niya ang hood ng kanyang jacket, she doesn't want to get some attention. She went downtown to buy some snacks at the convenience store.

She was looking for her favorite junk food and luckily she found one pero nag-iisa na lang. She immediately stretched out her arm to grab to food kaso may nakasabay siya.

Napakurap si Yena saka dahan-dahang napatingin sa katabi niya ngayon na nakahawak rin sa junk food niya.

Her hearbeat rose.

And it was the same with his.

Awtomatikong binitawan ni Yena ang junk food. "Y-You can have it."

Tumalikod na siya at naglakad papunta sa kabilang direksyon. Anong ginagawa ni Yohan sa convenience store? Obviously, he didn't go to school.

Lumabas si Yena sa convenience store na walang kahit na anong nabili. As much as possible she wants to avoid Yohan. But before she could take another step someone stopped her.

"Here," iniabot ni Yohan ang junk food na sabay nilang kinuha kanina, "stop blaming yourself. It wasn't your fault."

For the first time since their path crossed again he finally genuinely smiled at her.

Yena returned the smile. "Thank you."

"You're welcome. See you back at school."

"See you." 'Yan na lang ang nasabi ni Yena kahit hindi siya sigurado kung makakabalik pa ba siya sa kanilang unibersidad.

Napatingin si Yena sa hawak niyang pagkain. Wala sa sariling napangiti siya ulit. Masaya siya na makalipas ang tatlong taon at nagkaayos na sila ni Yohan.

Naglalakad na pabalik si Yena sa kanilang bahay nang bigla niyang maramdaman na tila may sumusunod sa kanya. Her heartbeat increased, not because of love but fear.

Binilisan niya ang paglalakad at napasigaw siya nang may dalawang lalakeng humarang sa kanya. Bago pa siya makatakbo ay may isa na namang sumulpot mula sa kanyang likuran at tinakpan nito ang ilong ni Yena gamit ang isang panyo.

Nanlabo ang mga mata ni Yena at nagsimula na rin siyang mahilo. Nabitawan niya ang bigay ni Yohan na pagkain. Nang mawalan na siya ng malay ay binuhat na ng mga lalake si Yena at isinakay sa puting van.

Tinawagan ng driver ang kanilang amo para ipaalam na nakuha na nila ang kanilang pakay. Napasulyap ang driver sa dalawang babaeng walang malay na nasa likuran.

"Papunta na po kami dyan." The driver ended the call and started the engine.

Kinabisado ni Yohan ang plate number ng van saka tinawagan si Sigrid upang ipaalam ang nangyari. Aftee calling Sigrid he called the cops to report the incident.

-

Dahan-dahang iminulat ni Yena ang kanyang mga mata nang makaramdam ng pangangati sa katawan. Muling bumilis ang tibok ng kanyang puso nang maalala ang nangyari kanina.

HeartbeatsWhere stories live. Discover now