HEARTBEATS O19

96 7 9
                                    


HEARTBEATS O19
| His fault |


╰☆☆ THIRD PERSON ☆☆╮

Napangiti si Yohan nang makita si Minthe na mag-isang naglalakad sa hallway. Kumaripas siya ng takbo upang masabayan ito sa paglalakad.

Naramdaman ni Minthe ang presenya ni Yohan. Kahit naman hindi siya lumingon ay sigurado siyang si Yohan iyon.

"Bakit mag-isa ka?" Tanong ni Yohan.

"Kasi wala akong kasama." Pamimilosopo ni Minthe.

"Ha ha, very funny," Yohan said in a sarcastic way, "kung wala kang kasama sabay na tayong kumain ng lunch mamaya."

Napatigil sa paglalakad si Minthe at ganoon rin si Yohan. Hinarap ni Minthe ang kanyang kaibigan.

"Is this... okay?" May pag-aalangan na sambit ni Minthe.

Yohan's brows furrowed. "What do you mean? Hindi ko gets."

"I mean, you're a celebrity for Pete's sake while me? I'm a nobody. Madalas nila tayong nakikitang magkasama kaya nagsimula na silang gumawa ng kung ano-anong kwento na maaaring makasira sa reputasyon mo bilang isang artista." Sambit ni Minthe na mababakas ang pag-aalala sa kanyang boses.

Sandaling napaisip si Yohan. Minthe is right. He might get into trouble when his company finds out.

Ngumiti si Yohan na siyang hindi maintindihan ni Minthe. "Who cares about what they say? You're my friend and I want to stay beside you."

"Iyon na nga eh. I'm your friend and I'll do anything to protect you... even if it means I have to push you away." Minthe gave him a weak smile.

"Harsh." Napaiwas ng tingin si Yohan.

"I'm not being harsh-- okay, maybe I am but it's for your own good." Sabi ni Minthe.

Ibinalik ni Yohan ang tingin kay Minthe. "I don't give a damn on whatever they say, I don't care if my reputation as an artist will be ruined, I just want to stay beside you so please don't push me away."

Bumuka ang bibig ni Minthe ngunit walang salita ang lumabas. Napayuko na lamang siya at bahagyang natawa.

"Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan." She joked.

Minthe was touched. Sa dinami-dami na ng taong ipinagtabuyan niya ay si Yohan palang ang hindi nakinig at gusto pa ring manatali sa kanyang tabi.

"You should really stop overthinking, it's unhealthy." Payo ni Yohan.

Kabisado na ni Yohan ang ugali ni Minthe. Basta-basta na lang gumagawa ng kung ano-anong desisyon kapag nag-o-overthink. Hindi pa nga nangyayari ay naisip na niya lahat ng mga negatibong pwedeng mangyari.

Napahinga ng malalim si Minthe. "I know."

"Tara sa cafeteria, libre kita ng kahit anong gusto mo." Bago pa makapagsalita si Minthe ay hinila na siya ni Yohan patungo sa cafeteria.

Bumili ng kung ano-anong pagkain si Yohan at magbabayad na sana nang pigilan siya ng Minthe.

"Teka lang," hinuli ni Minthe ang kamay  ni Yohan upang pigilan ito sa pag-aabot ng pera, "ako na ang magbabayad."

Umiling si Yohan. "Ang sabi ko manlilibre ako."

"No, let me treat you."

"Pero--"

"Just this once," pagputol ni Minthe sa sasabihin ni Yohan, "please."

Bumuntong hininga si Yohan. "Fine."

HeartbeatsWhere stories live. Discover now