HEARTBEATS O25

51 2 0
                                    


HEARTBEATS O25
| A terrible day |


╰☆☆ THIRD PERSON ☆☆╮


[Bakit hindi niyo siya hayaang magdesisyon? Let her decide, kung ano man ang piliin niya then let her be.] Sabi ng nasa kabilang linya na si Hiro.

Napabuntong hininga si Yuan. "She said she's okay with it."

[Sigurado ka?]

Hindi nakasagot si Yuan. Kasalukuyan nilang pinag-uusap ni Hiro ang paglipat ni Yena ng paaralan. Hiro is opposing the idea since he knows that Yena is being forced... again.

[Yuan, you know that Yena is a big fat liar,] humarap si Hiro sa malaking bintana, [madalas nagsisinungaling siya para hindi tayo pag-alalahanin kasi ayaw na ayaw niyang kinakaawan siya. Ikaw ang mas madalas na kasama niya so you should know better.]

Napahigpit ang hawak ni Yuan sa kanyang cellphone. He ended the call without saying anything. He's not offended. He's disappointed. Disappointed with himself because he got hit by a sudden realization.

Gusto lang naman niyang protektahan si Yena dahil ayaw na niyang maulit pa ang dati. Ngunit hindi na niya naisip na halos kino-kontrol na niya pala ang buhay nito, hindi na niya naisip na nasasakal na pala si Yena. He's making the decisions for Yena.

"Yuaaaannn!" Rinig na rinig sa buong hallway ang malakas na sigaw ni Beau.

Yuan immediately hid his sadness with a smile plastered on his face.

"Saan ka naman galing? Bakit pawis na pawis ka? Kadiri Beau, ang lagkit mo." Dire-diretsong sambit ni Yuan.

"Galing pa ako sa fourth floor! Narinig kong tinakbo daw sa clinic 'yong pato-- ano bang nangyari sa kanya? Ayos na ba siya?" Mabilis na wika ni Beau na akala mo nagra-rap.

"She fainted but she's fine now."

Nakahinga naman ng maluwag si Beau. "Nga pala nakita ko si Yohan kanina, may itinapon na pulang kahon sa likuran ng school. T-Tapos ito 'yong nakita kong laman ng kahon."

Inilabas ni Beau ang pinulot niya. It was the picture from Yena's locker ngunit wala na 'yong frame.

Walang pasabing inagaw ni Yuan mula kay Beau ang litrato at biglang umalis. Sa tindig palang ni Yuan alam na ni Beau na susugod ito para makipag-away kaya agad niya itong sinundan.

"Yuan, teka!" Natatarantang sumunod si Beau kay Yohan at kahit anong pag-awat niya dito ay ayaw talaga itong tumigil.

Kailangan niyang pigilan si Yuan ngunit hindi na niya alam kung anong gagawin. He mentally slapped himself, he shouldn't have showed the picture to Yuan in the first place.

Nanlaki ang mga mata ni Beau nang makitang makakasalubong nila si Yohan. Mas lalo tuloy siyang nataranta kaya bigla siyang tumakbo para sabihan si Yohan na umalis na.

Yohan was confused so he didn't listen. Nang makalapit na si Yuan ay pumagitna si Beau sa kanilang dalawa.

"Beau, move aside." Yuan said with authority.

"Shouldn't we ask him first? Hindi 'yong basta-basta na lang kumikilos at hindi na nag-iisip." Sambit ni Beau.

"Did you put this on Yena's locker?" Yuan didn't calmed down a bit. Mababakas pa rin sa boses niya ang pagkairita.

"I didn't." Yohan answered casually.

"You... didn't?" Pag-uulit ni Beau. "Then, who did?"

HeartbeatsWhere stories live. Discover now