HEARTBEATS O11

80 2 3
                                    

HEARTBEATS O11
| Camping Trip |

╰☆☆ THIRD PERSON ☆☆╮


"We're going on a trip~ riding our rocket ship~ we're gonna fly awaaaay~ little eins-- ouch! Huhu. Ba't ba palaging ako na lang sinasaktan niyo?" Reklamo ni Beau sabay nguso.

"Huwag ka na kasing kumanta, lalo na mali-mali pa lyrics mo." Naiiling na sabi ni Hiro na siyang nambatok kay Beau.

Dumating ang isa pang Cortez na halatang inaantok pa dahil humihikab habang naglalakad. Kinusot-kusot niya ang kanyang mga mata at muli na namang humikab.

"Bakit kasi required na sumama ang lahat sa camping trip na 'to? Ano ba kasing gagawin natin do'n?" Tanong ni Yuan.

"To take a break from quizzes, homeworks, exams, and anything related to school." Si Sigrid ang sumagot.

"Parang magbabakasyon pero pinapahirapan at the same time?" Napangiwi si Beau sa sarili niyang sinabi.

Yuan tsked. "To take a break from school but the activities will be related to school."

Mahigit isang linggo na ang nakalipas nang tumawag siya at ipinabigay ang letter kay Yena. Mabuti na lang ay hindi na muli itong tumawag pagkatapos no'n.

"Teka, nasaan si Yena?" Nilibot ni Hiro ang buong paligid gamit ang kanyang paningin upang hanapin ang nawawala nilang pinsan.

"Bakit?"

Nagulat ang apat na Cortez sa biglaang pagsulpot ni Yena kung saan. Nang maka-recover sila sa pagkagulat ay nagtawanan sila dahil sa suot ni Yena.

Kumunot ang noo ni Yena. "What's so funny?"

"Ba't ganyan suot mo?" Natatawang tanong ni Yuan.

Tinignan ni Yena ang sarili niyang suot. She's wearing a duck onnesie. Yellow na yellow ang kulay kaya talagang kapansin-pansin kahit saan man magpunta si Yena.

"Ayan! Literal ka ng bibe." Nag thumbs up si Beau.

"Problema niyo sa suot ko?!" Inis na tanong ni Yena.

Inakbayan ni Hiro si Yena. "Ikaw naman kasi, hindi ka ba informed na camping trip ang pupuntahan natin at hindi slumber party?"

"Pake niyo ba kasi kung balak kong matulog buong biyahe at pagkarating natin sa camp site itutuloy ko ang pagtulog ko." Irap ni Yena sa mga demonyo niyang pinsan.

Magkakasamang lumapit sina Jiro, Minthe, at Julia sa magpipinsang Cortez na abala pa rin sa pang-aasar sa suot ni Yena.

"Kaya pala," nagpalipat-lipat ang tingin ni Jiro kina Minthe at Yena, "kaya pala."

"Aww~ Sana in-inform niyo rin ako para matchy-matchy tayong tatlo." Nakangusong sambit ni Julia.

Minthe is also wearing an onnesie. A pink one and she definitely looks like a cat right now.

"What were you saying earlier?" Taas kilay na tanong ni Yena at hinarap ang mga pinsan niyang biglang natahimik.

They can't make fun of Yena anymore kasi nga nahihiya sila kay Minthe. Alangan namang tawanan nila eh hindi naman nila gaanong ka-close.

"Children! Proceed to the Quadrangle, now!" Rinig nilang anunsyo sa speaker.

Sumunod naman ang lahat at nagtungo na sa Quadrangle. It's 5:30 in the morning. Malayo-layo rin kasi ang pupuntahan nila kaya dapat talaga na maaga silang aalis.

HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon