HEARTBEATS OO1

338 7 4
                                    


HEARTBEATS OO1
| Begin |


╰☆☆ YELENA ☆☆╮

"Kainis 'yan. First day na first day kasi ng school may pa-assignment agad." Padabog kong inilabas ang notebook at ballpen ko para gawin ang assignment na ibinigay ng Math Teacher namin kahapon.

Ngayon lang ako gagawa ng assignment kasi ngayon ko lang naalala.

"Ilang taon ka nang nag-aaral tapos hindi ka pa nasanay." Sabi naman ni Yna na abala sa pagbabasa ng kabibili niyang libro.

Whatever. Hindi pa rin sila dapat nagbibigay agad ng assignment sa first day of school!

Sisimulan ko na dapat ang pagsagot kaso ayaw makipag cooperate ng utak ko. Bwisit na buhay 'to. 'Yong utak ko nagbabakasyon pa ata.

"Yna," tawag ko sa kaibigan kong pandak, "patingin nung assignment mo."

Bahagya niyang ibinaba ang hawak niyang libro at kinunutan ako ng noo. "Yena, kaibigan kita pero hindi ko ito-tolerate ang ugali mong nangongopya ng assignment."

Ngumuso ako. "Ngayon lang naman eh~"

"No, ayokong umaasa ka na lang palagi sa 'kin pagdating sa assignments." Why does Yna have to be this... heartless.

"Then teach me," muli akong tinignan ni Yna, "if you don't want me to copy your answers then atleast teach me how to solve these."

Napabuntong hininga na lang siya at ibinaba ang kanyang libro. "Fine."

It's currently 7:30 AM at mamaya pa magsisimula ang first class namin kaya tumambay muna kami ni Yna dito sa isang coffee shop na nasa tapat lang ng school namin.

Yna Johannson is my bestfriend and my partner in any kind of crime. Ang pinagkaiba nga lang namin ay mas masipag siyang mag-aral at mas responsable.

While me? Our Biology once said that 'you should enjoy your youthfulness' and I'm just doing what she said. Pero hindi naman ako 'yong tipong pinapabayaan ko na ang pag-aaral ko.

Well, in other words I'm just another typical highschool student. 

Tumunog 'yong chime na nakalagay sa pintuan ng coffee shop. Sa tuwing tumutunog 'yong chime ay hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong mapatingin sa pintuan. I know, it's weird.

Almost everyone looked at the girl who just arrived. Nagsimula na rin silang magbulungan na parang mga bubuyog.

She's Naomi, she's a student from Blues Academy-- it's a very prestigious school for smart kids like her, pero hindi naman lahat ng estudyante doon talagang matalino dahil ang karamihan ay nakapasok lang dahil galing sa mayayamang pamilya.

Naomi is known as miss-have-it-all. She's rich, smart, has a pretty face, and very talented. I'm one of those people who envy her. Dahil walang perpektong tao then she's the definition of almost perfect.

Everyone is talking about her lately because she tried to commit suicide. Siya 'yong naibalita nung isang araw na tumalon sa Swiss River.

Isa rin ako sa mga napaisip kung bakit gusto niyang magpakamatay. She's almost perfect, she have it all, ano pa bang kulang?

"Yelena, mauna na ako. The Student Council President texted me, may urgent meeting daw." Sabi ni Yna habang nililigpit ang mga gamit niya.

"Ba't di mo na lang aminin na may date kayo ni West." I said as I took a sip from my iced coffee.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Shut up, Yena."

HeartbeatsWhere stories live. Discover now