HEARTBEATS O24

65 2 2
                                    


HEARTBEATS O24
| Invisible string, connected, key |

╰☆☆ THIRD PERSON ☆☆╮


Mabuti na lang karamihan sa mga estudyante ngayon ay nasa loob ng kanilang mga silid kaya malayang nakakapaglakad sa tahimik na hallway si Minthe dahil walang mga mapanghusgang mga mata ang nakatingin sa kanya.

But someone made her stop from her tracks. Ang unang naramdaman niya nang makita ang taong nakatayo ngayon sa kanyang harapan ay pinaghalo-halong galit, lungkot, at pagkadismaya.

Galit dahil sa ginawa nitong paninira sa kanya. Lungkot, nalulungkot siya sa kalagayan niya-- sa kalagayan nilang dalawa ngayon. At pagkadismaya dahil hindi na maibabalik pa ang dati nilang pagkakaibigan.

"Nandito ka pa pala?" Arabella looked at Minthe from head to toe. "You surprised me, akala ko hindi ka na makakatagal dito ng isang araw pagkatapos ng mga nangyari sayo."

"So you're the one behind all this." Minthe glared at her former bestfriend.

"Ano ngayon kung ako nga? May magagawa ka ba? Kahit magsumbong ka walang maniniwala sayo kasi sino nga ba ang maniniwala sa isang mamamatay tao?" Mababakas ang mapang-asar na tono sa pananalita ni Arabella na lalong ikinainis ni Minthe.

"I didn't kill anyone!" Naiiritang wika ni Minthe.

"But he died because of you so... you killed him." Mas lalong naging mapang-asar ang ngiti ni Arabella. She really do know how to trigger Minthe.

Huminga ng malalim si Minthe upang pakalmahin ang kanyang sarili. "I thought you're smart? Bakit hindi mo matukoy ang pinagkaiba ng sinasabi mo at sinasabi ko? O mali ako sa parteng inakala ko na matalino ka?"

The annoying smiled plastered on Arabella's face slowly faded. "Pareho lang kayo ng Cortez na 'yon, parehong madaldal ngunit hanggang salita lang naman pala. Blabber all you want, sisiguraduhin kong akin pa rin ang huling halakhak."

And with that, she left. Sinadya niya pang banggain ang kanang braso ni Minthe nang lagpasan niya ito.

Naiwan si Minthe na nagtataka.
Cortez? Was she talking about Yelena? How and when did they met?

Nang pumasok sa isip ni Minthe si Yelena ay nagdesisyon siyang pumunta sa clinic, nagbabaka sakaling nandoon nga ang kanyang kaibigan. Gusto niyang humingi ng tawad rito dahil sa inasta niya kanina.

Pagkarating niya sa harapan ng clinic ay doon pa siya nagdalawang isip kung dapat ba siyang magpakita o hindi. She sighed as she gently twist the doorknob. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at nakita sa loob ang isang nakatalikod na pigura na pamilyar sa kanya.

Maingat na isinara ni Minthe ang pintuan saka lumapit. Napangiti si Jiro nang makita si Minthe.

"Is she... okay?" Tanong ni Minthe sa mahinang boses.

"The Doctor said she'll be fine." Sagot naman ni Jiro.

"But why did she faint in the first place?" Minthe is that type of person who asks a lot of question.

Napakunot ng noo si Jiro nang mapansin ang ginawang pagpapalitan ni Sigrid at Yuan ng tingin.

"She was just overwhelmed." Diretsong sagot ni Sigrid.

"Overwhelmed with what?" The curious cat asked.

"O-Overwhelmed with the news that she's transferring haha." Yuan answered followed by an awkward laugh.

HeartbeatsWhere stories live. Discover now