HEARTBEATS O13

70 4 9
                                    


HEARTBEATS O13
| First night on the camp |

╰☆☆ THIRD PERSON ☆☆╮


Tch. Annoying people.
Yuan thought as he glared at the two girls gossiping near him.

"Gosh. Sana ako na lang 'yong nahulog kanina!"

"Same! Nakakainggit si ate!"

"Anong pangalan nung muntikan nang nalunod?"

"Yelena. Yelena Cortez."

Yuan's eyes widened when he heard his cousin's name. He immediately dashed to Yena's cabin-- he didn't mind knocking and just went inside.

"Nasaan si Yena? Anong nangyari sa kanya?!" Yuan asked, frustrated and confused why his cousin was soaked in water.

"She fell on the river." Hiro answered.

"Mabuti na lang niligtas siya ni Yohan." Wika ni Beau na nakatingin lang sa natutulog na si Yena.

Dahan-dahang napatingin si Yuan kay Beau. Nagkatinginan si Hiro at Sigrid. Beau slowly shifted his gaze when he noticed that someone was intensely looking at him.

It was Yuan. "Who?"

"Y-Yohan saved Yena." Nauutal na pag-uulit ni Beau.

Si Minthe na nandoon rin ay hindi maiwasang magtaka. Why does it seems like these cousins become sensitive when Yohan's name is brought up? What's going on between Yohan and... Yena?

"N-Nasaan ako?" Yena slowly opened her eyes.

"Ayos ka na? May masakit ba?" Tanong ni Hiro at inalalayan si Yena na umupo mula sa pagkakahiga.

"I think I have a headache." Napahawak si Yena sa kanyang ulo.

"Don't force yourself and get some rest." Sabi ni Sigrid at inabutan si Yena ng gamot.

"Pero gusto kong pumunta sa party." Yena pouted and stared at the medicines Sigrid gave her.

There will be a party later-- a party to welcome all the students and celebrate this year's camping trip.

"No," mariin na sabi ni Yuan, "you're not going anywhere, you're gonna stay here all night."

"Ang daya! Lahat kayo nando'n nagpapakasaya tapos ako nandito nagmumukmok!" Yena whined like a little kid.

"Hindi ka pwedeng lumabas na ganyan ang kondisyon mo! Look! You have bruises!" Inangat ni Yuan ang kamay ni Yena na may mga sugat.

Inilayo no Yena ang kanyang braso mula kay Yuan. "I'm fine!"

"You're obviously not fine! Ba't ba ang tigas ng ulo mo?!"

"Kasi walang malambot na ulo!"

Lahat ng nasa cabin na nakakarinig sa bangayan ni Yuan at Yena hindi alam kung gagawin kung aawat ba o tatawanan na lang ang dalawa.

Huminga ng malalim si Yuan. "Yena, isa..." it was more like a warning.

"Dalawa, tatlo, apat, lima!" Pamimilosopo ni Yena.

Si Beau hindi na makapagpigil ng tawa kaya nakatanggap siya ng isang batok mula sa katabi niyang si Hiro.

The fight ended with Yuan blackmailing Yena. Kapag nagmatigas pa ay hindi magdadalawang isip si Yuan na tawagan ang mga magulang ni Yena para pauwiin na agad ito. Hindi na nakaangal si Yena dahil gusto pa niyang magtagal sa camp.

HeartbeatsWhere stories live. Discover now