Chapter 12

17.1K 258 32
                                    

Lexi

Palabas na ako ng bahay para pumasok sa school ng makita ko si Ash sa labas. Napahinto ako.

Napabuga ako ng hangin.

Again? She also came to see me yesterday. Honestly, I was waiting for her to lunge at Mike yesterday so I can give her a piece of my mind but she didn't. Surprisingly, she just watched us leave.

Huh.

"What are you doing here?" I asked unemotionally.

Ash looked at me and trudged forward. Kumamot siya sa batok niya, looking nervous.

Huh, that's new. Ashley Verde is nervous.

"I want to start over with you." She started.

Napa angat ang kilay. Ano na namang laro ito? Parang kinakabahan ako ah.

"Huh." Was all I said.

"I'm serious." she insisted.

"I want to apologize for everything that happened since that party. I was an asshole and I admit that." Her face was so serious that I wanted to believe she meant what she said. But I know better.

This is a game she was playing.

And again, I intend to win.

I sighed and rolled my eyes.

"Fine. But you're on probation. You can't tell me what to do. You have no say in anything I do. Are we clear?"

"Really?" she beamed and pretended not to her the second part of what I said. "That's great. I promise to behave myself."

I just looked at her like I didn't believe her and got in my car.

--
Dylan

Maaga pa lang nandito na ako sa campus. Nerd nga ako 'di ba. Galing na akong library kanina at ngayon papunta na akong classroom namin.

Nasa pinto pa lang ako narinig ko na ang boses ni Max. I clenched my teeth in anger. More or less alam ko na ang ginagawa niya.

Ganunpaman, dumiretso pa din ako ng pasok sa classroom. Wala akong pakialam. Before, kapag narinig ko siyang may ginagawang milagro, hindi ko na itinutuloy ang pagpasok. Hindi ko kasi kaya. Pero ngayon, wala na akong pakialam.

Or rather, pinipilit ko ang sarili kong mawalan ng pakialam.

Sa gilid ng mata ko, nakita kong nasa last row si Max kasama ang isang babaeng hindi ko kilala at ayaw kong makilala. Nakataas ang palda at —

Nag-iwas kaagad ako ng tingin at umupo na sa upuan ko sa unahan.

Naramdaman ko namang tumigil sila sa ginagawa dahil tumahimik. Narinig ko pang naghagikhikan ang dalawa.

Pinagdikit ko ang mga labi ko at tumingin sa kisame. Humahapdi na naman ang mga mata ko. Kaya ko 'to.

Hindi ko namalayang nakakuyom ang mga kamao ko. Halos hindi ako humihinga para lang hindi maramdaman ang hapdi sa dibdib ko.

Akala ko aalis na sila. Akala ko hihinto na sila. Pero hindi. Hindi sila huminto. Tinuloy nila ang ginagawa nila.

Itinuloy ni Max kahit na alam niyang nandito ako.

"Don't mind her. She will not rat us out," narinig kong sinabi ni Max sa babae.

"Kunsabagay mukha naman siyang walang alam," sagot ng babae habang humahagikhik. Hagikhik na nauwi sa pag-ungol.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Naramdaman ko na lang na tumutulo na ang luha ko at pumatak sa kamay ko. Mabuti na lang nakatalikod ako sa kanila.

My Androgynous (girlxgirl)Where stories live. Discover now