Chapter 11

32K 387 22
                                    


Ash

"Lasing ka na, Ash." saway sa akin ni KC.

"Who cares? Ihahatid niyo naman ako di 'ba?" sagot ko habang tumutungga ng alak. Nanlalabo na ang paningin ko pero sige pa din ako sa pag-inom.

"Nasaan na ba si Axl at Max? Bakit wala sila dito?" tanong ko kay MM at KC.

"Hindi namin sila ma-contact. Baka may date," sagot ni MM na umiinom din. Bukod tanging si KC lang ang hindi umiinom sa aming tatlo. Katwiran ni KC, para daw may mag-drive.

"Ano ba kasing problema? Babae?" direktang tanong ni MM.

"Tss. Ako? Magkaka-problema sa babae? Asa ka boy."

"Iyon naman pala eh, bakit panay Lexi ka simula kanina?" si KC.

Napailing lang ako at muling uminom. Napalingon ako ng may makita akong babaeng sumesenyas sa akin para sumayaw. Tumayo ako at dumiretso sa dance floor. Hindi ko na pinansin ang pagtawag ni MM at KC sa akin. Nakipag sayaw ako sa babaeng naka-pula.

Medyo pamilyar ang mukha niya sa akin pero hindi ko na maalala kung saan ko siya unang nakita.

--

MM

"Mukhang tinamaan na ang kaibigan natin, pre." sabi ko kay KC habang pinapanuod si Ash na sumasayaw.

"Pansin ko nga eh. Baka masaktan lang siya kay Lex. Mukhang mas straight pa iyon kaysa sa poste ng Meralco eh." sagot ni KC.

"Oo nga eh. Diyos ko naman! Minsan na lang magkakagustong totoo sa babae tong kaibigan natin, sa straight pa. Pwede namang sa bi. Tsk."

"Sana nga di pa gaanong nahuhulog si Ash kay Lex. Baka kasi si Lexi ang sumira sa kanya, kawawa naman si Ash," napailing si KC.

"Baka kamo si Lexi na ang karma niya. Napaka-babaero kasi." komento ko.

"Huwag naman, kawawa naman ang kaibigan natin." tanggol ni KC.

Napatitig naman ako kay KC. Aminado kaming lahat na guwapo kaming mga magkakaibigan. Papasa ding chiks kapag naging babae. Lalo na ako.

Mas pambabae kasi ang mga features ko kung ikukumpara sa aming apat. Habaan lang ang buhok ko at magdadamit babae, hindi na ako makikilala ng iba. Kaya nga kung pambababae ang pag-uusapan, lugi ako kasi ako ang pinaka-mukhang babae.

Kaya nga hindi pa din sumusuko ang papa ko na gawin akong babae. Si mama tanggap na. Si papa na lang.

Hindi ko napansin na nakatingin na pala si KC sa akin. Wala sa loob na inubos ko ang alak na nasa baso ko. Bumilis na naman ang pintig ng puso ko.

Bullshit. Bakit ngayon pa.

"B-bakit?" nabubulol na tanong ko.

"Ang haba na pala ng buhok mo, MM. Mukha ka na namang chiks! Haha!" tukso ni KC.

Namula ang mukha ko. Si papa kasi, pinagpipilitang huwag muna akong magpagupit. Para daw kahit minsan, magmukha akong babae. Tsk. Mabuti na lang madilim, hindi nakikita ni KC na namumula ako.

"Alam mo naman si Papa. Tinoyo na naman." paliwanag ko.

"Bagay naman sayo eh. Lalo kang gumaganda." parang wala sa sariling sabi ni KC.

"Maganda mo mukha mo! Pogi ako no! Pogi!" sigaw ko kay KC. Nararamdaman kong lalong nag-iinit ang mukha ko.

Bwisit talaga.

"Haha! Ang sarap mong asarin 'pre! Pikon ka kasi. At saka kamukha mo ng buhok iyong si Seung Nyang sa Empress Ki. Magandang pogi." tukso ulit ni KC.

My Androgynous (girlxgirl)Where stories live. Discover now