Chapter 19

21.2K 315 30
                                    

Maxene Paraiso

"Ella!"

"Ano ba!"

"Isa!"

"Huwag mong antaying umabot sa tatlo ang bilang ko, Ella!"

"Dalawa!"

"Alam mo ang gagawin ko kapag umabot ako sa tatlo!"

"Tat-" naputol ang pagbibilang ko nang biglang humarap si Ella sa akin ng nakasimangot.

"Ano ba kailangan mo Maximiliano?" tanong niya sa akin.

Muntik na akong mapangiti ng wala sa oras ng marinig ko ang tawag niya sa akin.

Nandito kami ngayon sa school grounds at kakaunti na lang mga estudyante dahil karamihan ay nasa klase na nila. Sinadya ko talagang magpa-late para lang matiyempuhan ko si Ella, mamaya  pa kasi ang klase niya.

"Bakit ba ilang araw mo na akong iniiwasan? Aba nababaliw na ako dito ah!" tanong ko sa kaniya.

Inirapan ako ni Ella. "Ang oa mo! Para tatlong araw pa lang tayong di nag-uusap ah!" sagot ni Ella na parang wala lang nangyari.

"Alam mong hindi ako sanay na hindi tayo nag-uusap! Ano ba problema?" nakakunot-noong tanong ko sa kaniya. Lumapit na din ako sa kaniya dahil nangangati na ang mga kamay ko.

Ilang araw ko na kasi siyang hindi nahahawakan, hindi ko na kaya.

Ipinaikot ko ang mga braso ko sa bewang niya at hinapit siya palapit sa akin. Hindi naman pumalag si Ella. Good.

I inhaled her scent at hinigpitan ang yakap ko sa kaniya. Ibinaon ko na din ang mukha ko sa buhok niya.

One of things I love about her is her smell.

Nakakagigil.

Nanindig ang mga balahibo ko ng dampian ako ng halik ni Ella sa leeg. Kumalas agad ako sa pagkakayakap sa kaniya.

"Ella, kung ayaw mong makapanood ang mga estudyante dito ng live show, huwag mo ng uulitin iyon," banta ko sa kaniya dahil nag-init na kaagad ang buong katawan ko sa halik na iyon.

Nag pout naman si Ella at kumalas na din ang pagkakayakap sa akin.

Tingnan mo 'to, iiwasan ako tapos ..

"Bakit mo ba kasi ako iniiwasan?" Naalala kong itanong ulit.

Inirapan ulit ako ni Ella bago sumagot.

"Bakit mo pinagbawalan si Skye na kausapin ako? Akala niya tuloy girlfriend kita," balik-tanong niya sa akin.

Umakyat ang mga dugo ko sa ulo. Dahil lang doon sa kulukoy na iyon kaya niya ako iniwasan ng tatlong araw? Kaya tatlong araw ko siyang hindi nahawakan at nahalikan?

Kulang na lang magka-withdrawal symptoms na ako dahil doon. Ni hindi ko nga kayang tumagal ng dalawang araw ng hindi siya nahahawakan man lang tatlong araw pa kaya?

"Dahil lang doon kaya iniiwasan mo ako?" Inis na bulyaw ko sa kaniya.

Napa atras naman si Ella sa gulat at pagkatapos ay naningkit din ang mga mata niya sa galit.

Patay. Nagalit na din ata.

"Hoy, Maximiliano! Tigil-tigilan mo ako sa kabaliwan mo! Hindi kita girlfriend kaya pwede ako makipag-usap kahit kanino! Akala ko ba iyon ang usapan natin? Ilang taon ng ganoon ang set-up natin ah! Ano inaarte mo ngayon?" bulyaw din ni Ella sa akin.

Mabuti na lang wala ng mga estudyante sa paligid.

Ako naman ang napa-atras ng duruin ako ni Ella sa dibdib.

My Androgynous (girlxgirl)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant