Chapter 18

25.8K 424 43
                                    

Alexa Diosa

Ash was approaching our table with a look of determination in her eyes. And lust.

Mabilis na tumayo si Nicky bago pa makalapit si Ash sa table namin.

"Best, may lakad pala ako. Maiwan na kita, bye!" nakangising sabi ni Nicky at nagmamadaling umalis. Tinanguan naman siya ni Ash ng magkasalubong sila.

Napaka-traydor talaga. Bakit niya ba ako pinagtutulakan kay Ash? Tsk.

I held my breath nang umupo si Ash sa tapat ko. Kahit may table sa gitna namin pakiramdam ko nakadikit siya sa akin dahil ang init bigla ng paligid.

Wala sa loob ba pinaypay ko ang mukha ko gamit ang kamay ko. Seryoso naman ang mukha na tinitigan ako ni Ash.

Ilang minuto kaming nagtitigan.

Walang nagsasalita.

Hanggang sa hindi na ako nakatiis.

"Ano na naman? Bakit nandito ka?" asik ko sa kaniya.

Ngumisi naman si Ash. "Bakit mo kinancel ang date niyo ni Mike?"

"Paano mo nalaman?" gulat na tanong ko.

"I have my sources. Now, will you answer my question?" there was that hopeful look in her eyes again.

Hindi ako nakasagot.

Ilang minuto ng naghihintay ng sagot si Ash pero hindi pa din ako sumasagot.

"Goddammit, Alexa!" pinukpok ni Ash ang table namin.

Napaigtad naman ako sa gulat.

"Shhh! Ano ka ba! Huwag ka ngang maingay! Kapag ako pinalabas dito tatagain kita ng bubong sa leeg!" banta ko sa kaniya dahil tinitigan na kami ng masama ng librarian.

"Then answer me, damn it!" gigil na pilit ni Ash.

Napabuntong-hininga ako.

"Fine."

"Good. So, bakit mo kinancel ang date niyo ni Mike?" tanong ulit ni Ash. Nakakuyom ang mga kamao niya sa ibabaw ng mesa.

"Tinamad ako," sagot ko at nagkibit-balikat na parang wala lang.

"That's it?" hindi naniniwalang tanong ni Ash.

"Yeah. That's it."

"You're so full of crap, Alexa. Will you answer the fucking question, honestly?" pinukpok na naman ni Ash ang mesa.

"Shh! Ashley isa pa ah! Kapag ako talaga pinalabas dito .." banta ko sa kaniya.

Hindi sumagot si Ash at naghihintay lang sa sagot ko.

Naihilamos ko naman ang mga palad ko sa mukha ko. Mahahampas ko talaga ng libro sa mukha 'tong babaeng 'to eh.

Ano ba dapat sabihin ko? Na kinancel ko kasi nagagalit siya? Kasi ayaw niya na makipag-date ako kay Mike o sa iba pang lalaki? Napaka-bullshit naman kung iyon ang sasabihin ko.

"Ano pa bang gusto mo, Ashley? Huh? Kahit itaktak mo pa ako dito, iyon lang sagot ko. Problema mo na kung hindi iyon ang gusto mong marinig," sagot ko sa kaniya at sinimulan ng iligpit ang mga gamit ko.

"Okay. That will suffice, for now," sa wakas ay sabi ni Ash na ngayon ay nakangiti na.

Sinimangutan ko lang siya at tumayo na. Kung iyon lang ang ipinunta niya dito eh wala akong panahon sa kaniya.

Lumabas na ako ng library at naglakad na palabas ng university nang mapansin kong nakasunod si Ash sa akin.

Huminto ako at tiningnan siya ng matalim. "Stop following me, Ashley or I swear I'll--"

My Androgynous (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon