Chapter 21

16.1K 316 46
                                    


KC

Kahit nagdudugo na ang mga kamay ko sa pagsuntok sa puno, hindi pa din ako tumitigil.

I deserve this. I deserve the pain. This is my fault.

I hurt my bestfriend. I disappointed her.

MM was right. This is because of my jealousy and my selfishness. I only cared about my feelings.

Nagselos ako kaya inunahan ko siya sa pagsabi na lesbian siya. Gusto ko kasi malaman kaagad nung Trace na off-limits si MM.

Mas nagseselos ako sa mga lalaki kaysa sa mga babae pagdating kay MM. Dahil may kayang ibigay ang mga lalaki na hindi ko kayang ibigay. Na hindi ko mabibigay kahit na kailan. Kaya ayaw ko na maging bi siya. Mas madali para sa akin kung lesbian siya.

Ang kompetisyon ko sa kaniya mga babae at lesbian tapos pati ba naman lalaki sasali pa? Eh baka magbigti na lang ako!

"You are so stupid, KC!" malakas na sabi ko sa sarili ko.

Patuloy na sinusuntok ko ang kawawang puno sa inis. Nandito pa din ako sa school grounds pero hindi na ako umattend ng klase dahil wala na ako sa mood. Nasa likod ako ng building namin at kasalukuyang pinagdidiskitahan ang mga puno.

Nagulat ako ng may yumakap bigla sa likod ko.

I know that smell. I'll recognize it anywhere.

"That's enough. You're hurting yourself," bulong niya sa akin.

"I deserve this. I hurt you. I'm so sorry," I whispered.

"Let's forget about that, yeah? Ayaw kong nag-aaway tayo," sagot niya sa akin at hinalikan ang likod habang nakayakap pa din sa akin.

"Pero Em, nasaktan kita. Sorry," pilit ko. Kapag kami lang dalawa ni Em, lumalabas ang pagiging feminine niya. Kaya naman mas lalo ko siyang bine-baby.

"Ikaw kasi, napaka-toyoin mo. Ano ba nangyari?" tanong niya sa akin at iniharap ako sa kaniya.

Napabuntong-hininga ako at tinititgan siya ng matiim sa mga mata.

♥♡♥♡♥♡

Axl Rose

Nakangisi ako habang lumalabas ng pinto ng Student Council room. Kakatapos lang namin mag-usap ulit ni Summer kaya good mood na naman ako.

"You need to stop what you're doing," sabi ni Summer sa akin pagkaupo ko pa lang ng upuan.

"What?" takang tanong ko.

"Kung gusto mong maka-score sa mga babae dito sa university, at least do it discreetly. Madami ng estudyante ang naiiskandalo kapag nakikita kang nakikipag-ano kung kani-kanino," paliwanag ni Summer.

Habang sinasabi niya lahat iyon, hindi siya nakatingin sa akin kundi sa laptop sa harap niya.

"And that's your business, because?" pang-iinis na tanong ko sa kaniya.

"Because I'm the VP of the Student Council and it's my responsibility! Dammit, you're making my head hurt," inis na sabi ni Summer sabay hilot sa sentido niya.

I ignored the concern that crept out of my skin. I wanted to massage her head so badly but I held myself. We're over.

Matagal na kaming tapos, hindi ko kailangang makadama ng concern sa kaniya.

"Ash is worse than me! Why aren't you talking to her?"

"Well, kung hindi mo napapansin, medyo matagal na din simula ng maglie-low si Ash."

My Androgynous (girlxgirl)Where stories live. Discover now