Chapter 3: The Rule

Mulai dari awal
                                    

"S-si Sir Catacutan," nauutal niyang sabi.

"Huh? Kilala mo siya?" tanong ko.

Tumingin ulit ako sa lalaki. Ngayon ay malapit na siya rito. Mukha siyang istrikto at kagalang-galang na heneral.

"Oo... palagi siyang nakukwento ng mga pinsan kong graduate ng Sakura Academy, wala pa sa 15% ang mga estudyanteng pinapasa niya,” kuwento niya.

Grabe naman.

"Kaya kapag graduation, maraming nagmamakaawa sa kanya na makakuha ng kahit 75 na grade maka-graduate lang,” dagdag niya pa.

Mukhang mahirap ngang makapasa sa kanya. Nakakatakot siya.

"Siya ang batas ng Sakura Academy dahil dapat siyang masunod. Ang hindi sumunod sa kanya ay hindi makaka-graduate, kaya malas ang mga nagiging estudyante niya," paliwanag niya.

Napalunok ako ng laway habang nakatingin sa teacher na 'to. May kalakihan ang katawan niya, may
pamatay na bigote, at matalim tumingin ang mga mata. Sa hitsura at tindig pa lang, nakakatakot na. Samahan pa ng maitim na awrang bumabalot sa kanya. Sapat na paglalarawan na ’to para sabihin talagang isa siyang terror teacher.

Nagulat ako nang hilahin ako ni Karylle  papasok ng room. Pumunta na kami sa aming upuan. Nandito na si Raven pero parang wala siya sa mood.

Napansin kong biglang tumahimik ang buong klase nang pumasok siya sa room. Ang ingay na bumabalot sa room ay napalitan ng katahimikan na may halong takot at kaba. Agad kaming tumayo at pumostura na parang nasa isang Military Academy.
P

arang nadaanan ng anghel ang room dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Nang mapatingin ako sa teacher namin, mukhang kailangan ko nang magdasal.

"Morning, class. I'm Mr. Joselito Catacutan, your teacher in Philosophy." Pananalita pa lang niya, nasa awtoridad na.

"Good morning, Sir Joselito," bati namin sa kanya.

"Take your seat."

Sinunod naman namin agad ito.

"May papel ako na ipapasa sa inyo para sagutan," wika niya at agad na pinamigay ang mga papel.

Nanatili akong kabado habang nakatingin sa kanya. Mukhang gano’n din ang mga kaklase ko. Nakakatakot kasi talaga siya. Parang ang hirap huminga nang maluwag sa klase niya.

Napatingin kaming lahat sa may pinto ng may kumatok. Nagbukas ito at bumungad sa amin si…

"Good morning Si—"

"Out!"

Hindi natapos niya ang masiglang pagbati nang palabasin siya agad ni Sir kahit hindi pa siya nakakapasok. Kilala ko siya. Siya si Hiro. Si Hiro ang estudyante kahapon na pumasok kung kailan uwian. Ngayon, late pa rin siya.

Naipamigay na ang mga papel at signal na lang ni Sir ang hinihintay.

"First rule, NO QUESTIONS. 50 points each and a total of 100. Right minus wrong. Read the direction carefully, No Cheating and once I caught you, dropped ka na sa subject ko."

Napalunok ako ng laway sa mga sinabi niya. Napansin ko ang reaksyon ng mga kaklase ko, 'yung iba ay nanginginig na ang kamay dahil sa nerbyos.

The Bright IdiotTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang