Chapter 02

767 37 2
                                    


Kahit na naiinis ako sakanya ay nagawa ko pa ring ilagay sa locker niya ang ginawa kong letter. Wala eh, gusto ko siya eh. Pero hindi pa rin talaga mawala sa isip ko iyong pagtanggap niya sa cupcake ng babae!


Busangot akong pumunta sa aking next class. Naalala ko na ilang oras pa pala akong maghihintay para sa next subject kaya mas minabuti ko na lang na pumunta muna sa aking safe zone. Yes, and that can be found at the back of our building!


Sa likod ng aming building ay parang tila ba may mini forest dahil napakaraming puno roon at sobrang sariwa ng hangin. Nagpunta ako sa isang puno ng acacia na may malalaking ugat at umupo sa lupa. Ang laki ng ugat ay parang kasinglaki ko lang kaya para na rin akong nagtatago rito.

Ah, this place is really peaceful. This is my haven, everytime my classmates bully me, I always go here. Sometimes I cry here, I let out all my emotions here. At least kahit isang beses sa buhay ko nakakapaglabas ako ng emosyon ko nang walang humuhusga sa akin.

This tree became my best friend ever since I entered this school.


After a long silence I heard some footsteps because of the leaves. I opened my eyes and see who is there and to my surprise it was Kian! Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. What is he doing here?

Tuloy-tuloy at tahimik lang siyang naglalakad patungo sa puno ring ito. Hindi niya ako napansin dahil nasa likod ako ng puno at natatabunan ng mga malalaking ugat. Then he stopped and sit also on the other side of the tree tsaka niya pinikit ang mata. Matutulog ba siya rito?

Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Tumayo ako at lumapit sakanya. He may be sleeping dahil hindi niya naramdaman ang paglapit ko sakanya.

Tinitigan ko siya kaya hindi ko maiwasan ang mamangha sa kanyang mukha. Magmula sa kilay papunta sa pilik-mata niyang mahaba, ilong na matangos at labi. Grabe wala kang makitang kapintasan sakanya.

Nagulat ako nang bigla niyang imulat ang kanyang mata. Nagulat din siya sa presensiya ko at agad siyang tumayo.


"Ops, sorry..." I chuckled.


"What are you doing here?" masungit niyang tanong.


"Nandito na ako kanina pa, nakita kitang papunta rito..." I said and he was about to leave.


"Sorry, naistorbo ba kita sa pagtulog mo? Sige matulog ka na lang diyan. Aalis na rin naman ako." I said gently.


Tsaka ko kinuha ang mga gamit ko at aalis na.


"May klase na rin kasi ako ng 10."


Naglalakad ako palayo sakanya at saka siya nilingon, he is still standing there hinihintay siguro na makalayo ako.


"By the way, I always go there. Pwede ka naman tumambay diyan." at saka tuluyan na akong umalis.


Kinagabihan ay nagbake ako ng cupcake para kay Kian! Siguro nga ay masyadong malaki ang cake na ginawa ko at maiirita lang siyang dalhin iyon kaya mas prefer niya ang cupcake!

Sisiguraduhin kong mas masarap itong gagawin kong cupcake kaysa sa ginawa nung babae!

Kinabukasan ay ganoon nga ang nangyari. Hinintay ko siya na pumasok. There he is! Kasama niya ulit ang tatlo niyang kaibigan.

Reaching Star (S)Where stories live. Discover now