Chapter 36

774 25 0
                                    

Chapter 36


One week passed since I left Kian in condo. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko iyong mga sinabi at mukha ni Kian habang umaalis ako. Now, I am reflecting with my own actions. Tama ba ang ginawa ko? Ayoko lang naman masaktan nang sobra kapag dumating na naman kami sa puntong ganoon. But then... what if Kian really loves me? Fool, Yna! How many times did Kian told you that he loves you? Ako lang talaga itong hindi naniniwala at nagpatali sa nangyari sa akin sa nakaraan.


I looked at my phone on my side table. Nakadapa ako ngayon at nanghihinang inabot ito. Dead battery. I sighed and buried my face in the pillow.


Isang linggo na rin ako rito sa bahay at habang tumatagal palungkot nang palungkot. Saka ko lang napagtatanto na... this place isn't the same anymore. Palagi rin naman akong mag-isa rito dati... but this time... I am really alone... permanently.


It's raining outside kaya nakakatamad din ang bumangon at gust ko na lang matulog nang matulog. Natapos na rin ako sa enrolment ko kahapon. Sinadya ko na wala si Kian at laking pasalamat ko at hindi ko siya nakita.


The doorbell rang. Agad akong tumayo at kunot noon bumaba ng hagdan. Sino naman ang bibisita? Wala akong kaibigan. Wala ring bumibisitang kaibigan nila Mommy at Daddy rito ah. Saka lang may bisita kapag may party sila.


Malakas ang ulan. Nakalabas na ako ng bahay at bubuksan na ang gate. Natigil ako nang makita ko si Kian na basang-basa. He is looking at me with a weary eyes. Malungkot ang mga mata niya at nangungusap. Ngayon ko lang narealize kung ano ang nagawa ko. 


"Yna..." he mouthed.


"Umuwi ka na, please." pagod niyang sabi. Umawang ang mga labi ko at hindi makapaniwalang tinitigan siya.


"Baby, please..." he pleaded more.


Basang-basa siya kaya ganoon na lang ang pag-aalala ko. Hinawakan ko ang kamay niya at pinayungan at pinapasok sa loob ng bahay. Nagmamadali akong kumuha ng towel at damit na akma sa kanya.


"What are you doing?!" galit ko siyang sinigawan habang hindi magkandarapa na pinupunasan siya sa ulo. 


"Bakit ka ba nandito at bakit ka nagpapabasa sa ulan?! Paano kung magkasakit ka?!" umiiyak kong sabi. Napaka-OA ko pero iniisip ko pa lang si Kian na matiyagang hinihintay ako sa labas parang binibiyak ang puso ko. Damn! I am so heartless!


"Umuwi ka na." he whispered again. Hinapit niya ang beywang ko ang ipinatong ang ulo sa balikat ko.


"I don't feel the same anymore without you."


Hindi ko na nakayanan ang sarili at niyakap siya. Damn, Yna!


"I'm sorry! I'm sorry! I'm sorry!" paulit-ulit kong sabi sa kanya. "Damn. I'm sorry for being heartless! I'm sorry, Kian!"


"Shhh." alu niya sa akin. Nabalika ko muli sa ulirat at muling pinunasan siya.


Reaching Star (S)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora