Chapter 38

841 24 3
                                    

Chapter 38


KIAN


"Kian!" dinig ko ang isang babaeng kaklase ko na tinatawag ako. Lumingon ako sa grupo ng magkakaibigan na iyon. Agad silang nag-iwas ng tingin na para bang hindi nila ako tinawag. Masungit akong napasinghap at nagpatuloy sa paglalakad papasok.



Nakakainis.


"Ayiee, pinansin ka ng crush mo."


"Ayiieee."


At nagkaroon ng walang sawang tuksuhan sa kanila. Is that it? Ni wala nga akong pakialam sa kanila eh.



"Punta tayo sa bahay nila Khiel mamaya." Bungad sa akin ni Alex. Padabog kong binaba ang bag ko at padabog ding umupo. Tumango ako kay Alex na katabi ko lang. Apat kaming magkakaibigan; ako, si Alex, si Khiel, at si Ash. Ever since pre-school we became friends already. Nasa iisang paaralan at section lang kami palagi. Ni hindi na nga kami nagkahiwa-hiwalay eh.


For me, that's okay. I don't have lots of friends, pili lang. Maraming gusto makipagkaibigan sa akin but only few I acknowledged. Hindi ko alam bakit ganoon. Sa dami ng mga bata rito, sila-sila lang ang pinapansin ko at pinipiling kalaro o kasama.


Habang papunta sa parking lot kung saan nandoon na ang sundo ko, may nakita akong isang babaeng umiiyak. Naka-ponytail ang mahahaba niyang buhok at nakauniform ng kagaya sa uniform namin. This is my first time seeing this girl. Well, wala naman akong pakialam sa mga ibang tao kaya hindi na ako magtataka kung may mga hindi pamilyar sa akin na makikita ko.


Lalagpasan ko na sana siya nang bigla niyang iangat ang ulo niya.


She was shocked when she saw me. Napapantastikuhan ko siyang tiningnan din. Her face is blushing too. Tss. I rolled my eyes and continued walking until I reach the parking lot.


We're rich, I know. But never my parents tolerated me to become a spoil. Tinuruan pa rin nila ako na ang mga bagay na gusto natin, kung talagang gusto mo, paghirapan mo. Tinatak ko palagi iyon sa isipan ko kaya ginawa ko ang lahat para maging magaling sa klase. I, together with my friends became part of one of the star sections in Mirriam High School. We are on top. We are praised by some of our schoolmates. But I don't like being on the spot. Wala rin akong pakialam kung maraming may gusto sa akin. Ang gusto ko lang mag-aral ako, para gumaling, at para matuto.


I am serious in studying. Hindi ko nakita ang sarili ko na nakikipag-girlfriend man lang.


"Ba't mo tinapon?" ulit sa akin ni Alex nang itapon ko ang isang cake na bigay ng isang babae kanina. Siya iyong palaging nagbibigay sa akin non. Aanhin ko iyon eh hindi naman ako mahilig sa matatamis na pagkain.


For the nth time... "Edi kunin mo."


"Sungit neto. Friendly lang naman iyong babae eh. Sino ba iyon?" I don't care...


"Si Yna ata iyon." si Khiel. I looked at Khiel. May kakilala rin naman palang ibang tao ang gunggong.

Reaching Star (S)Where stories live. Discover now