Chapter 04

759 37 6
                                    

Chapter 04


"Why are you late?" nagulat ako kay Mommy na nakaupo sa couch sa sala.


"Good evening, Mommy." I kissed her on cheek, "M-may ginawa lang po kami ng mga kaklase ko kaya nagabihan." I lied.


Mukha naman siyang convinced sa sinabi ko kaya agad akong pumunta sa aking kuwarato at agad na nahiga at ipinikit ang mata. Ramdam ko ang pananakit ng buong katawan ko lalo na sa likod at braso. Imagine, ilang oras ka ba naman na nagmo-mop, sa umaga at sa uwian.

Kaya humahanga ako sa mga janitors dahil nakakayanan nila ang kanilang trabaho. They are the really MVPs. I can't imagine myself sweeping dirts on the ground the whole day! Itong ilang oras na nga lang ay halos hingalin na ako.

Nagpahinga muna ako saglit bago naligo at ginawa ang mga iilang assignments.


Kinabukasan ay naging maaga ulit ako sa pagpasok para para maglinis. Damn this punishment! Natuto na ako kahapon kaya inagahan ko ang pagpasok para maaga rin akong matapos. Sakto ay iilang mga estudyante pa lang ang nagsisidatingan. Hindi agad narurumihan ang mi-nop ko. Awtomatikong napasimangot ako nang maalalang mamayang uwian dadami nanaman ang lilinisin ko.


Laking pasasalamat ko at wala ang ibang mga teachers namin dahil may meeting daw sila. Sinamantala ko ang mga oras na iyon para pumunta sa building nila at makita siya. Hindi buo ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita!

Kasama na ata sa araw-araw kong gawain ang pagbisita sa building nila at ang pasulyap kay Kian. Hindi ko alam dahil kahit sa simpleng pagsulyap niya lang ay ang saya saya ko na. Kahit sinusungitan ako, mas lalo akong nahuhulog. Hay Kian.

Bago ako pumunta roon ay kumuha ako ng energy drink at tubig para sa kanya. Ayon kasi sa schedule na nakuha ko, sa ganitong oras ay may PE sila. Yes! Inalam ko talaga ang schedule niya. Malamang pagod iyon kaya bibigyan ko siya ng maiinom.

Napangiti naman ako sa ginagawa ko. Gusto ko lang naman maging kaibigan ako ni Kian, iyong mapansin niya rin ako kahit bilang kaibigan lang.


Naghintay ako ng ilan pang minuto bago ko sila namataan na papunta sa susunod nilang klase. Nakita ko sila na pawisan. Tutungo sila ngayon sa kani-kanilang locker. Sinundan ko siya.


"Kian!" sigaw ko.


Ang kanyang mga kaibigan ay nagsilingunan ngunit hindi niya ako binalingan. Sila Ash, Alex at Khiel ay tinitingnan ako at bakas din sa mukha nila ang pagod, but they still managed to smile at me then they continue walking towards to the boy's locker. Si Kian ay nakatalikod sa akin.


"Tubig oh. Katatapos lang ng PE niyo 'di ba?" sabay lahad ko sa tubig sakanya. Hindi niya ito kita dahil nakatalikod siya sa akin kaya ako ang naglakad patungo sa kanya upang iabot ito.

"Ito, energy drink!" masigla kong sabi at nilahad ulit ang isa pang inumin. May mga iilang estudyante na napapadaan at pinagtitinginan kami. I didn't mind them though.


"Stop it, I don't want that..."


"Ohh, towe-"


"I said stop it! Will you?" bahagya akong nagulat sa naging reaksiyon ni Kian. Hindi naman gaanong kalakas ang sigaw niya at halatang nagpipigil siya pero ramdam mo sa tono ng boses niya ang iritasyon sa akin. Shit. Oh my god? What did I do? Oh no, naiirita na ba siya sa akin? Alam ko namang every day ata siyang naiirita pero ito ang unang pagkakataon na sigawan ako ni Kian.

Reaching Star (S)Where stories live. Discover now