Chapter 29

731 21 1
                                    

Chapter 29


Nakatitig lang ako kay Kian habang hawak-hawak niya ang kamay ko. Ni hindi ko magawang bawiin ang kamy ko mula sa kanya. Masyado pa akong gulat sa nangyari. Hindi ko akalain na... ipagtatanggol niya ako. Hindi ko nga alam na nasa canteen siya kanina eh.



Tumigil kami sa Business Ad building. Nilingon niya ako gamit ang matatalim na mga mata. Galit siya. Yumuko ako at kinagat ang pang-ibabang labi. I got into fight again... I closed my eyes fervently. The happenings earlier were like a deja vu to me. Naalala ko na naman noong inaaway ako nila Janna.



"Are you okay?" natigil ang pag-iisip ko nang magsalita si Kian. His voice were really gentle. Akala ko ba galit siya? 



Tumango ako pero nananatili akong nakayuko.



"I was there the whole time," he said. My eyes widened. Oh? "Pero hindi ko narinig kung ano ang pinag-uusapan niyo. Anong sinabi nila Janna sa iyo?"



Hindi ako nagsalita. I don't want to talk. Instead, I looked up on him and scanned his shirt.



"Nabasa ka 'di ba? Magpalit ka na baka magkasakit ka pa." I concernedly said. Hinawakan ko ang kamay niya dahil pupunta kami sana sa locker room para makapagpalit na siya. "May dala ka naman sigurong extrang shirt 'no? Tara sa locker--"



"I'm okay. Are you hurt?" natigil ako sa paglalakad dahil pinigilan niya ako. Nasa likod ko na siya ngayon habang hawak-hawak ang kamay ko. My heart is beating too fast. I don't even know how to calm it down.



"H-hindi. Sige na, magpalit ka na." sabi ko.



"Samahan mo ako." seryoso niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko pero iyon naman talaga ang gagawin ko eh. Tumango ako at nauna na maglakad.


Nakarating kami sa men's locker room. Naghintay na lang ako sa labas at tahimik na pinagmamasdan ang nabasang sapatos. At least sapatos lang ang nabasa sa akin, Thanks to Kian. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Gusto kong umiyak sa tuwa. Gusto kong maiyak kasi pinagtanggol niya ako! Pero ayokong umasa.



Galit pa rin sa akin sila Janna. Halata naman eh. Paano na lang kapag nalaman nila na... fiancee ko na si Kian at nakatira na kami sa iisang bubong? That thought made me shiver in fear. 



Lumabas na si Kian at bago na ang suot niyang damit. Tumayo na rin ako saka naglakad na palayo. Mahirap na baka makita ulit kami nila Janna ta pag-initan na naman ako ng ulo ng mga iyon.



"Hey..." he held my arm preventing me to leave.

Reaching Star (S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon