"Sa bahay nila Monique, nandon kasi sila Astris at Daily." sabi ni Samantha. "Aayain nga sana kita kaso hindi mo naman sinasagot ang tawag ko." may pagtatampong sabi nya. Natawa naman ako at kinurot ang pisngi nya.

"Iniwan ko kasi sa bahay nila Dite ang cellphone ko." sabi ko. "At hindi rin ako sasama kung sakali."

"Bakit?" nakangusong tanong ni Samantha. Nanlalambing lang ito eh.

"Mas gusto kong kasama ngayon si Dite eh."  nakangising sabi ko. Napasimangot na lang si Samantha. "Sleepover rin ako sa kanila. Tabi kami." patuloy na pang-aasar kay Samantha. Ni minsan ay hindi pa kami nakakatulog ng magkatabi ni Samantha kaya ganyan na lang sya maka-react.

"Tyrant, let's go." pag-aaya ni Dite. Tinignan ko si Samantha na nang-aasar bago sumunod kay Dite na nauna nang maglakad.

"Makakahabol ba tayo bukas sa laban nila Lulu?" tanong ko. Hindi na kami tumatakbo ngayon, naglalakad na kami pauwi.

"I don't think so, siguro second half na lang." sagot nya. Maaga ang parehas ang laro nila kaya medyo conflict, mas maaga lang ng isang oras ang kanila Dite kaya siguro makakahabol kami sa fourth quarter.

Nagtataka ako nung tumingin sakin si Dite pero wala syang sinabi sakin. Naguguluhan ako sa kanya pero hindi ko na lang ito pinansin.

"Hindi mo pinansin si Eloi kanina." ekk...akala ko mananahimik lang sya.

"Hindi rin naman nya ako kakausapin." nakangiting pilit na sabi ko.

"Kahit na nakatingin sya sa inyo kanina?" bigla akong napatingin sa kanya pero nung makita ko ang ngisi nya ay alam kong hindi sya nagsasabi ng totoo.

"I hate you!"

"Same." napasimangot ako sa sagot nya.

Kinabukasan habang nag-aalmusal kami kasama ang pamilya ni Tito Al ay mga naghaharutan ang mga bata. Ginugulo nila si Dite na halos hindi na makasubo dahil sa mga bata. Natatawa na lang ako at naaawa rin dahil may laro pa sya mamaya kaya naman ako na nagsubo ko sa kanya at dahil sa ginawa akong 'yon ay pati yung katabi kong bata ay gusto rin magpasubo.

"Manonood ba sila Alexa mamaya?" tanong ni Tito Al na nasa tabi ng Mama nila. Nasa gitna ng kabisera ang punong ama ng pamilyang De Vera habang sa kanan nya ang asawa at nasa kaliwa ang panganay na apo na halos kasing edad lang ni Zandy.

"Yes po." sagot ni Dite habang hinihila ang braso nya ng isang pinsan nyang five years old. Gusto nitong magpasubo kay Dite dahil nainggit sya sa ginawa ko sa kapatid nyang three years old.

"May team dinner mamaya ang basketball, hindi ba?" tanong ni Tita Lovely. Tumango lang kaming dalawa ni Dite.

Pagkatapos ng almusal ay nagpaalam na kami na pupunta na sa field. Hindi manonood sila Tito Al dahil sobrang busy nila ngayong araw kaya si Aldrich ang proxy nila. Kaming dalawa lang ni Aldrich ang nagkwe-kwentuhan habang nasa byahe.

"Ah si Eloi 'yon hindi ba?" tanong ni Aldrich. Tinuro nya ang nasa harapan at nakita namin si Eloi na naglalakad. Nanlaki ang mga mata ko nung tumigil si Aldrich sa gilid. Napatigil si Eloi sa paglalakad nung makita nya kami.

"Hey." may alanganin na bati ko tapos tumingin kay Aldrich kung bakit ba sya tumigil.

"Saan punta mo?" nakangiting tanong ni Aldrich. Ah, naalala ko na. May crush pala itong si Aldrich kay Eloi.

"Nowhere." sagot ni Eloi. Napatingin sya sakin.

"May laro ngayon si Dite sa soccer, gusto mong sumama?" pag-aaya ko. Nakakahiya naman kung hindi namin sya yayayain kung wala syang pupuntahan.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now