Chapter Sixteen: "Yuito's True Feelings"

281 25 27
                                    

Mabilis nagdaan ang mga araw, hindi ko namalayan na magpapasko na. Kakatapos lang namin kanina sa examinations, sana maging maayos ang scores ko kahit 'di ako tinulungan ni Harumi sa pagrereview.

Nakakapanibago nitong mga araw, dati wala naman akong pakialam kung iwasan o hindi ako pansinin ni Harumi. Pero ngayon, naapektuhan ako. Sinusubukan ko naman siya kausapin o asarin, pero ang plain lang ng mga sagot niya sa'kin.

"Saan ka pupunta? May date ka?"

Napansin ko kasi na nakaayos siya ngayon. Nakakapagtaka, hindi naman kasi palaayos 'tong babaeng 'to e.

"Oo, bakit selos ka?"

Pilit naman akong tumawa. Ako? Selos? Ewan ko. "Okay sige, ingat!"

Bumaba nalang ako ng hagdan at hindi na siya pinansin. Kaya ba parang wala na siyang atensyon sa'kin? Kasi may iba na siyang nagugustuhan? Naiinis ako.

Nagpaalam na si Harumi sa mama niya, samantalang ako hindi man lang siya tinitignan. Nang makaalis na si Harumi, kinausap ako ni Nay Mae.

"Hindi masarap kumain kung nakasambakol ang mukha mo, Yuito." Anong magagawa ko? Naiinis ako sa 'di malamang dahilan.

"Naiinis ako Nay Mae. Ba't gano'n 'yong anak niyo?" pagsusumbong ko sa kanya. "Bakit ano ba ginawa ni Harumi sa'yo?"

"Wala naman po, pero ginugulo niya 'yong buong sistema ko."

Ngumiti naman ng makahulugan si Nay Mae, at hindi ko nagugustuhan 'yon. Kung ano man ang naiisip niya, ayoko 'yong maramdaman sa kanya. Mas magandang magkaibigan lang kami ni Harumi.

"Alam mo Yuito, parehas ko kayong mahal ni Harumi. Pero sa pagkakataong 'to, gusto kong linawin kung ano ba talagang tunay mong nararamdaman para sa anak ko. Gusto mo ba siya o hindi?"

Tunay kong nararamdaman? Ano nga ba Yuito ang sagot?

"Sa totoo po niyan, naguguluhan din po ako."

"Aba, mahirap 'yan Yuito. Hindi sa lahat ng pagkakataon, maghihintay si Harumi para sa'yo. Kung naiinis ka man sa kanya dahil biglang wala na siyang atensyon sa'yo, bakit hindi ka muna mainis sa sarili mo dahil naging kampante ka masyado?"

With that, lalong gumulo 'yong isip ko dahil sa sinabi ni Nay Mae. Totoo naman kasi, masyado akong naging kampante. Siyempre, si Harumi 'yon e. Ako lang 'yong lalaking magugustuhan no'n. Sa'kin lang 'yon kikiligin. Kahit masaktan ko man siya, sa'kin pa din 'yon babagsak.

Lumabas muna ako ng bahay para magpahangin. Gusto ko ngayong pumunta sa park para naman mabawasan 'tong iniisip ko. Habang naglalakad, napatitig ako sa babaeng tumatakbo at halos hingalin na.

Wait, parang pamilyar siya?

Bago pa man ako makalapit sa kanya, napatid na siya sa mga bato. Hindi ko man nakikita kung anong itsura niya ngayon pero sigurado ako na naiyak na naman siya.

Harumi, kailan ka ba mag iingat?

"Wala ka na bang balak bumangon diyan?" Nag-angat siya ng tingin sa'kin. Naglahad ako ng palad sa kanya para tulungan siyang makatayo. Nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin.

Fuitchi No Kanjo (COMPLETED)Where stories live. Discover now