Chapter Three: "Her Savior In Times Of Troubles"

540 48 121
                                    

Inis kong pinindot ang alarm clock ko. Potek na 'yan, kanina pa kasi tunog ng tunog. Ang tanga ko din naman kasi para makalimutan na wala din palang pasok ngayon kasi Sabado. So it means, makakasama ko na naman ang mama ko buong araw.

Nagtupi na ako ng higaan at sakto namang nakasalubong ko si Tita Yarano. "Goodmorning po, Tita." Magiliw na pagbati ko sa kanya.

"Goodmorning din Harumi. Kamusta naman si Yuito sa school? Natututukan niya ba ang studies niya?"

Napakamot nalang ako ng ulo. Shemay, anong sasabihin ko sa kanya? Kapag naman sinabi ko 'yong totoo, baka hindi na ako nito pag-aralin at sinasayang ko lang ang pera na pinampapaaral nila sa'kin.

"Ahm, okay naman po siya Tita. Actually active nga po siya sa class e." Pilit na ngiti na pahayag ko dito. Mukhang satisfy naman ito sa naging sagot ko.

"Gano'n ba? Hindi pala ako nagkamali sa pagpili sa'yo. Report me kung may ginagawa na namang kabalastugan si Yuito, okay? Sayonara."

Mukhang nagmamadali si Tita kaya hindi niya na ako masyadong tinanong. Sakto namang kakalabas lang ni Yuito sa kwarto niya. I admit na kapag nakikita ko siya, naalala ko 'yong paghawak niya sa kamay ko.

"Goodmorning," bati nito sa'kin. Binati ko nalang din siya para naman hindi siya pahiya. "Goodmorning din hehe."

Nag unat unat pa ito habang bumababa sa hagdan. Siyempre, nakasunod lang ako sa kanya. Dumiretso siya agad sa mesa. Ako naman, pumuntang kusina para tulungan si mama sa paghahanda ng pagkain.

"Kaya ko na 'to Harumi, samahan mo nalang si Yuito do'n." Utos ni mama sa'kin. Pero matigas ang ulo ko, kinuha ko ang mga plato na kailangan at dadalhin na sa mesa. Ang kaso, bigla akong nadulas. Nabasag tuloy 'yong mga pinggan.

Nakalikha 'yon ng malakas na kalampag sa sahig. 'Yong mga tao tuloy dito sa mansion ay napapunta sa kusina. Hindi naman ako makatingin kay mama kasi nahihiya ako sa kapalpkan ko.

Tangina, ang tanga tanga mo talaga kahit kailan Harumi.

"Ang kulit mo kasi! Sabing ako na dito e! Tignan mo, nabasag 'yong mga pinggan!" galit na sigaw nito sa'kin. Pinipigilan kong hindi umiyak sa pamamagitan ng pagpupulot ng mga nabasag kong pinggan. Kaso mas lalo lang yata akong maiiyak kasi nasugatan pa 'tong daliri ko.

Kukuha sana ako ng walis para linisin ang kalat pero naunahan na ako ni mama na gawin 'yon. Hindi nalang ako nagsalita at umalis nalang sa kusina. Hays, nawalan tuloy ako ng ganang kumain.

Bumalik nalang ako sa kwarto ko at nagkulong. Hays, sana kasi buhay pa din si Papa Yuta ko. Grabe 'yong iniyak ko no'n nang mamatay siya. Ang pinakamasaklap pa nga no'n, hindi ko man lang nahalata na may nararamdaman siyang hindi maganda sa katawan niya. Pinili niya kasing ilihim ang kondisyon niya sa'kin sa sakit niya sa puso para lang hindi ako mag-alala.

Kung alam ko lang, edi sana mas pinaramdam ko ang pagmamahal ko sa kanya. Siya na nga lang ang kakampi ko, tapos kinuha pa siya ni Lord sa'kin hays.

"Harumi.." Narinig kong may kumakatok sa pintuan ko. Alam kong si Yuito 'yon kaya binuksan ko.

"Pinadalhan ka ng mama mo ng almusal. Kain ka na daw," sabi niya habang may hawak na tray. May sandwich at gatas do'n. Itataboy ko na sana siya, kaso sinalpakan niya ako ng sandwich sa bibig at dire-diretso pa siyang pumasok sa kwarto ko.

Fuitchi No Kanjo (COMPLETED)Where stories live. Discover now