Chapter Fourteen: "Yuito's Reasons"

245 27 30
                                    

Ginugol ko ang oras ko sa pagte-training. Nalalapit na ang eliminations namin, kaya pursigido kami sa pag-eensayo para sa laro. Habang isinasagawa namin ang mga drills, hindi sinasadyang patamaan ng ka-teammate ko ang bleachers kaya tumalbog at gumulong ang bola.

Tutal malapit sa kinaroroonan ko 'yon pumunta, ako na ang nagkusang kumuha no'n. Nagulat naman ako nang makita si Harumi na nakatayo sa gilid, kasama ang isa sa mga volleyball player namin na si Akira.

"Uy, nandiyan ka pala. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong kunin ang bola.

"W-Wala n-napadaan lang hehe."

"Okay ka lang? Namumula ka yata."

Sinipat ko ang temperatura niya. Baka may sakit 'to, mahirap na. Pero sa ginawa ko, mas lalo yata siyang namula. Tinabig niya ang kamay ko at tinarayan pa ako. Lakas talaga ng toyo ng babaeng 'to. "Ano bang ginagawa mo? Bumalik ka na nga do'n, hinihintay ka na nila oh."

Hindi ko nalang pinatulan ang sinabi niya kasi totoo naman na naghihintay na sina coach sa court. Ibang klase din talaga ang babaeng 'yon, nagagawa pa din akong sungitan kahit niligtas ko siya. Paano ba naman, muntik na siyang ma-suspend sa Yamizawa High. Mabuti nalang malakas ang connections ko sa school na 'to kaya naniwala agad ang guidance counselor sa'kin.

Halos buong linggong puro basketball ang inatupag ko. Kagaya na lamang ngayon, umagang-umaga kaya handa na ako para magtraining ulit. Lalabas na sana ako nang biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan ko naman 'yon at tumambad sa harapan ko si Harumi.

"Examinations na next week, anong balak mo?" Potek, hindi ba uso sa babaeng 'to ang goodmorning? Umagang-umaga, 'yan ang sasabihin niya sa'kin. Hindi ko tuloy mapigilang mapasimangot.

"Ano naman? May training pa ako."

"Kaya nga magrereview tayo ngayon e. Oh, magbasa-basa ka ha. Bukas, tatanungin kita. Don't worry, nakasummarize na 'yong mga terms diyan kaya madadalian ka nalang."

Pilit niyang binibigay sa'kin 'yong reviewer, pero hindi ko 'yon tinatanggap. Wala naman akong pakialam sa exams na 'yan e. Isa pa, makakatulong ba 'yan sa pagba-basketball ko? "Bakit mo ba 'to ginagawa?"

"You love basketball right? Aware ka naman siguro na ngayong year, pinagbabawal na ng admins na maglaro ang estudyanteng may bagsak 'di ba?"

Fuck, ba't nga ba nawala sa isip ko 'yon? No choice ka ngayon, Yuito.

"Okay." 'Yon na lamang ang tanging nasambit ko sabay kuha ng reviewer sa kanya. Mukhang bye-bye training ako ngayon dahil kelangan ko pag-igihan ang exams.

Kung tutuusin, may utak naman ako kahit papaano. Kaso, hindi naman kasi exams ang priority ko sa buhay. Madali lang magsaulo ng mga terms na 'yan. Ang sa'kin lang minsan lang tayo mabuhay, mas mahirap 'yong ginugol mo lang 'yong sarili mo sa pag-aaral at pigilan mo ang sarili mo sa pagiging masaya.

Sa ngayon kasi, basketball lang talaga ang nagpapasaya sa'kin.

Sa larangang ito lang kasi ako nagkakaroon ng silbi hindi lang sa pagiging manlalaro, kung hindi sa pagkatao ko na din. Pagkatapos ng mahabang linggo na puro pag-aaral ang inatupag ko kasama si Harumi, nagbunga din lahat ng pinaghirapan ko.

"Tamo, ang tataas ng scores mo! Matutuwa niyan ang mama mo!"

Natawa naman ako sa reaksyon niya. Mas masaya pa talaga siya kaysa sa'kin ha? "Well, ang galing ko 'no? Ez lang pala."

"Sus, ez ka diyan pero halos puro angal ang naririnig ko." Aba at nakuha niya pa akong asarin ha! Pasalamat talaga siya, malaki ang utang na loob ko sa kanya. Bilib din ako kasi nagawa niya akong tutukan ng maigi. Hindi rin naman kasi ako madali turuan, alam ko naman 'yon sa sarili ko hahaha.

Fuitchi No Kanjo (COMPLETED)Where stories live. Discover now