Chapter Ten: "Hints Of Feelings"

267 28 60
                                    

Sino ba namang mag-aakala na kasama ko si Yuito ngayon? Kanina pang namumula ang pisngi ko, kasi 'yong thought na kasama ko palang siya ngayong gabi, sobra niya ng napapabilis ang tibok ng puso ko.

Gano'n siguro talaga 'pag gusto mo 'yong isang tao 'no? Kahit maghanap ka pa ng mas higit sa kanya, sa dulo siya pa din ang hahanapin ng puso mo. Kahit anong paglimot ang gawin mo sa utak mo, sa t'wing makikita mo siyang nakangiti, wala na.

Lahat ng effort mo na mag-move on, mapupunta sa wala.

Malamig man dito ngayon sa Japan, napili namin na mag-ice cream

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Malamig man dito ngayon sa Japan, napili namin na mag-ice cream. Katapat ko lang siya ng upuan, kaya hindi ako mapakali. Is this a date?

Ang unexpected lang kasi.

"Bakit ka umiiwas?" diretso niyang tanong sa'kin. Grabe, wala man lang preno ang bibig ng lalaking 'to.

"Miss mo ako?" pabiro kong sabi. Kaloka e, 'di ako sanay na ganito ang pinag-uusapan namin.

"Paano kung oo?"

Tangina Yuito. Bakit ka ganyan? 'Wag ka namang ganyan oh. Sa ginagawa mo, lalo akong umaasa. Para maibsan ang awkwardness, tumawa ako kahit pilit lang. "Joker ka talaga 'no? Hahaha!"

Hindi ko alam kung ako lang 'yon, pero parang nakita ko sa mata niya na nasaktan siya sa sinabi ko. Teka, ba't naman siya masasaktan? Assuming talaga ako kahit kailan e.

"Oo nga e, hahaha."

Pagkatapos no'n, hindi na kami nagsalita. Ewan ko ba, ngayon lang naman kami naging ganito. Kapag kasama ko naman siya noon, hindi kami nauubusan ng topic na pag-uusapan. Hindi awkward, very natural lang kami.

Medyo nagsisisi tuloy ako na umamin ako.

Kung nakuntento lang sana ako na hanggang magkaibigan lang kami, ang saya pa din siguro hanggang ngayon. Hindi hassle, hindi kami nagkakasakitan ng feelings sa isa't isa.

May kinuha naman ako sa bag ko. May binili kasi akong gift para sa ka-eyeball date ko, sayang naman kung wala din akong pagbibigyan. Binigay ko na lang 'yon kay Yuito.

"Gift? Para sa'kin?" Tumango na lamang ako. Pansin ko 'yong pamumula ng mukha niya, siguro dahil nilalamig siya.

"Advance gift ko na 'yan sa'yo for Christmas hehe." Nginitian naman ako nito. Uy, kalma heart. Ngiti lang 'yon, kumalma ka.

"Thank you. Sa new year ko nalang ibibigay 'yong christmas gift ko sa'yo ha. Ay teka, may party na gaganapin sa Sports Gymnasium. Sasama ka?"

Woah. Oo nga pala, nawala sa isip ko na may salubong na magaganap para sa bagong taon. Noon, wala akong gana pumunta para sa party na 'yan. Pero mukhang iba na ngayon. First time na magbibigay sa'kin si Yuito ng regalo, kaya naeexcite ako!

"Oo naman sasama ako." Hindi naman halata na sobrang saya ko ngayon 'di ba? Hays, sana ganito nalang palagi. 'Yong puro saya lang, 'yong walang sakit na kasama.

Fuitchi No Kanjo (COMPLETED)Where stories live. Discover now