Chapter Thirteen: "Yuito's Dark Past"

221 28 22
                                    

Lumaki akong malayo ang loob sa sarili kong ina bata pa lang. Basketball— 'yan ang naging labasan ko ng sama ng loob. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag naglalaro, kaya naman mula pagtanda ko ay ipinagpatuloy ko pa din ito.

Sa totoo niyan, marami na akong napasuko na mga kasambahay. Pero isa lang ang nanatiling matatag at siya si Ichinose Mae. Naramdaman ko sa kanya ang kalinga ng isang ina, na ipinagdamot ibigay ng nanay ko sa'kin. Masyado kasi itong busy sa trabaho niya at nawawalan na ng oras sa'kin.

Si Nay Mae din ang dahilan ba't natuto akong magtagalog. Tinuruan niya ako dahil hindi siya masyadong bihasa mag-japanese.

"Alam mo, ka-edad mo 'yong anak ko sa Pilipinas. Tiyak kong magkakasundo kayo no'n kapag nakilala mo siya." Pagkukwento ni Nay Mae sa'kin. May pinakita pa itong picture sa'kin at tama siya, mukhang kasing edad ko lang din siya.

"Ano pong pangalan niya?" Interesadong tanong ko sa kanya.

"Siya si Harumi, Yuito. Mahal na mahal ko 'yang anak kong 'yan. Excited na nga akong umuwi sa Pilipinas, madami akong pasalubong sa kanya."

Bata pa lang, nakaramdam na ako ng inggit. Kung gano'n, napakaswerte naman ni Harumi dahil may nanay siyang mahal na mahal siya. Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot. Kung babalik na sa Pilipinas si Nay Mae, sino nang mag-aalaga sa'kin?

"Babalik ka naman po 'di ba?" tanong ko na sinagot niya lang naman ng isang malungkot na ngiti. Hindi ko nalang ito kinausap dahil nagtatampo ako sa kanya.

---

Malamig ang simoy ng hangin, tandang tanda ko pa na pasko ng araw na 'yon pero hindi man lang umuwi si mama. At ang masakit do'n, kahit inatake na si papa ng sakit niya, wala siyang pakialam. Kay Nay Mae niya inasa lahat ng pag-aalaga sa'min, naudlot tuloy ang flight niya pauwi sa Pilipinas.

"Sorry po Nay Mae, dahil sa'min hindi mo makikita si Harumi." Naiiyak kong pahayag sa kanya. Niyakap lamang ako nito, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya. Nang mga sandaling 'yon, hiniling ko na sana nanay ko nalang siya.

"Okay lang 'yon Yuito. 'Wag kang umiyak, 'wag mo sisihin ang sarili mo."

Inabot ng dalawang taon ang pananatili ni Nay Mae sa Japan. Minsan, nahuhuli ko itong umiiyak habang hawak ang litrato ng pamilya niya. Ang kwento niya kasi sa'kin, hindi na nagpapadala ng mensahe si Harumi sa kanya. Mukhang nagtatampo ito kay Nay Mae.

Kaya para pagaanin ang loob niya, niyakap ko siya ng mahigpit. "Tahan na, Nay Mae. Nandito naman ako, love ka ni Yuito."

---

Habang nadadagdagan ang edad ko, mas lalo kong nakikilala kung sino ba talaga ako. Nakakausap ko pa din naman si Nay Mae, pero minsan nalang dahil naging abala ako sa club na sinalihan ko. Dahil hilig ko ang basketball, sumali ako sa Basketball Club.

Sa club na 'yon ako nabigyan ng maraming atensyon. Maraming kababaihan ang humahanga sa'kin na siya namang ikinatuwa ko. Pero no'ng mga oras na 'yon, sa isang babae lang naman ako may pakialam. 'Yon ang basketball manager namin na si Sakura.

Alam kong malayo ang agwat ng mga edad namin, grade eight pa lang ako at graduating na si Sakura. Pero sabi nga nila, hindi naman basehan ang edad pagdating sa pag-ibig. Kung siya talaga ang sinisigaw ng puso mo, wala ka ng magagawa do'n.

Nahulog ang loob ko kay Sakura dahil sa lahat ng babaeng nakilala ko, siya lang ang nakaintindi sa nararamdaman ko. Dinamayan niya ako sa mga araw na sinusukuan ko na ang mundo, namatay kasi ang papa ko e. Si mama naman, mas nilunod ang sarili sa pagtatrabaho.

"Yui to, itsu demo watashi o tayori ni suru koto ga dekimasu. Anata ga kanashī toki wa itsu demo anata wa kata o naite irudeshou, watashi wa anata o egao ni suru tame ni itsumo anata no dōkeshi ni narimasu." (Yuito, you can always count on me. I'll be you're crying shoulder whenever you're sad, I'll always be your clown to make you smile.)

Fuitchi No Kanjo (COMPLETED)Where stories live. Discover now