"Akala naman niya ang ganda na niya do'n."

Bahala kayo diyan na pag-usapan ako. -_- Ayoko kayong patulan dahil baka pagtulungan niyo lang ako at madamay pa ang baby ko.

"Bestfriend!" - Desiree

"Ano ba yan, nakalunok lang ng mic?"

"Tara na, bilis madami ka pang ikukwento sa 'kin." - Desiree

"Wala akong ikukwento."

"Meron 'no. Madami! Ano na? Saan nangyari yung honeymoon niyo?"

"Hoy, Desiree yung bibig mo! Kapag may nakarinig sa 'yo diyan. Nakakahiya."

"Bakit ka mahihiya? Dapat nga proud ka kasi nalahian ka ng isang Andrada."

"Leche ka talaga >.,< Nakakahiya kaya!"

"Hindi 'yan! Basta magkwento ka."

"Oo na. Oo na. Doon na tayo sa upuan natin."

Ikinuwento ko na kay Desiree LAHAT ng nangyari. Ang tsismosa ng gaga.

"Kyaaah! Anong pakiramdam? Masakit, masaya, o nakakaenjoy?"

>/<

"Itry niyo nalang ni Alexis para malaman mo."

"Alin ang itatry namin?" Biglang pasok ni Alexis

"Ha?! W-wala. Joke niya lang 'yon. Wala 'yon." Sabi naman ni Desiree

Mamumula mula siya ngayon samantalang nung nagtatanong siya sa 'kin tungkol do'n ang kapal ng mukha niya. -_-

"Ano nga 'yon, Babe?" Tanong ni Alexis kay Desiree.

"Wala nga!" - Desiree

"Highblood ka na naman. Meron ka ba?" - Alexis

"Hindi pa kaya 'ko nagkakaroon!" - Desiree

"Yie, buntis siya." Pang-aasar ko naman.

"Buntis ka?!" - Alexis

"Gago! Bakit may nangyari na ba sa 'tin?"

Binalot kaming tatlong ng isang awkward na katahimikan.

"Waaaaaaah! Nevermind." Nagtakip pa ng mukha si Desiree.

"Hahahaha, napaghahalataang may gustong mangyari o! Awkward." Tinawanan ko siya nang tinawanan.

"Sabi ko na nga ba, Babe may pagnanasa ka din sa 'kin e." Pang-aasar din ni Lex.

"You two, shut up!" - Desiree

Mabuti nalang at dumating na ang first subject namin. Save by the bell si Desiree! Hahahaha.

Isang mahabang discussion na naman ang naganap bago maglunch. Nagtext sa 'kin si Hubby na hindi daw siya makakasabay dahil may tatapusin silang report.

"Desiree sa Swift resto tayo maglunch. May ipapakilala ako sayo."

"Sino?"

"Basta. Bagong kaibigan."

"Osige. Wala naman si Lex e."

Dumiretso na kami sa labas ng school at pumunta sa Swift restaurant. Sikat dito ang restaurant na 'to. Bukod kasi sa mamahalin, talagang masasarap ang pagkain.

"Mika, dito!" Sigaw sa 'kin ni Bakla.

Lumapit kami sa table niya.

"Close na kayo ni Israel?" - Desiree

"Slight lang."

"Siya ba yung kaibigan mo?" Tanong naman ni Israel.

"Oo."

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Where stories live. Discover now