"Wag kang mag-alala. Bago pa mag-umpisa ang Summer Cup, nakaisip na ako ng plano kung paano sila tatalunin." sabi nya.

Tumingin ako saglit sa kanya. "Bakit sa Miracle ay wala kang plano?" tanong ko sa kanya.

"Actually, meron kaso ayokong makialam kung paano mo tatalunin si Kennie." muli ko syang tinignan, nakangiti sya habang nakatingin sa harapan. Ibinalik ko agad ang tingin sa daan. "Ba-back-up-an na sana kita kaso nakita kong seryoso ka kaya taga-bigay na lang kami ng bola sayo at taga-pigil kanila Julia."

"Wow." sabi ko sabay tingin sa kanya. Maangas naman syang tumingin sakin sabay turo sa ulunan nya. Natawa ako.

Nakarating kami sa bahay ng Dragon Empire. Nagulat kami ni Marceline dahil si Kriza lang ang nasa bahay. Ang awkward tuloy. Hindi nagpansinan yung dalawa, dumiretso si Marceline sa shelf kung saan nakaligay ang mga tapes ng bawat laro. Si Kriza naman ay nagbabasa ng libro sa couch. Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta kaya nakatayo lang ako sa may pintuan.

Pero nakakapagtataka na nandito si Kriza. Silang dalawa ni coach Avey ay sa kanila sila umuuwi kaya bakit sya nandito? Hindi ko naman sya matanong dahil hindi na ako papansinin.

"Nakuha ko na." napatingin ako kay Marceline. "Hindi ko alam sa Dragon Empire kung bakit puro naka-cd pa rin ang mga copy nila ng mga laro." natawa naman ako sa sinabi nya.

"May back-up sila sa flashdrive pero gusto nila na naka-cd pa rin." nakakatuwa lang dahil ginagawa pa rin nilang cd yung copy kahit na nakakadagdag lang ito sa kagamitan. Kapag napuno na ang shelf ay babawasan nila ito at dadalhin sa camp. May library doon at may isang pwesto doon na nakaligay lahat ng mga copy ng laro simula sa pinakauna.

"Tara na?" pag-aaya ko tapos nilingon ko si Kriza. Hindi ako sure kung magpapaalam pa kami sa kanya na aalis na kami.

"Let's go." sabi nya at nilagpasan ako. "Mauuna na kami, Kriza." napangiti ako sa sinabi nya bago sya tuluyan makalabas ng pintuan. Nilingon ko si Kriza at lumabas na rin.

Ngayong araw ay laban namin sa Shakers. May isang oras pa bago mag-umpisa ang laro kaya naisipan ko munang mag-jog sa paligid. Hindi ko naman papagurin sarili ko pero wina-warm up ko na. Shakers itong makakalaban namin, si Eloi at Astris kaya isa rin itong big event sa lahat. Kung sino ang mananalo ngayong araw ay magkakaroong ng 50-50 na chance maging champion. Hindi rin madaling makalaban ang Meteorite kaya hindi pa ganong kasigurado ang panalo.

Pabalik na ako sa loob nung nakatanggap ako ng message kay coach Avey nung makita ko sina Eloi at Charles sa fire exit. Napatigil ako at pinagmasdan sila. Para kasing hindi sila magkasundo. Kita ko ang inis sa mukha ni Charles habang seryoso lang si Eloi. 

Nanlaki ang mga mata ko nung masapak ni Charles si Eloi, halos matumba si Eloi sa suntok ni Charles. Bigla akong napatakbo papunta sa kanila. Aambagan pa sana ni Charles si Eloi ng isa pang suntok pero tinulak ko sya palayo kay Eloi.

"Talagang nananakit ka ng babae?!" sigaw ko sa kanya sa sobrang gulat sa ginawa nya at sa galit dahil nagawa nyang manakit ng babae.

"Wag kang mangialam dito!" galit na sigaw nya na may kasamang duro.

"Nasisiraan ka na ng ulo! Babae pinapatulan mo!" sigaw ko sa kanya.

"Sinabing wag kang makialam!" sabi nya at hindi ako nakailag nung sikmuraan nya ako. Napaubo ako ng dugo sa sobrang lakas nyang manuntok. 

"Zap!" rinig kong sabi ni Eloi nung matumba ako sa sahig. Agad nya akong nilapitan at inalalayan makaupo man lang.

"Kayo! kayong dalawa ang peste samin ni Kriza! kung nanahimik lang sana kayo, hindi kami maghihiwalay!" sigaw nya.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now