"Hi, Ma." bati ko at lumapit sa kanya. "Pinuyat ninyo na naman si Sora." panunukso ko. Sinamaan ako ng tingin ni Mama. Natawa naman ako. Ang sarap lang asarin ni Mama Alicia.

"Kumain ka na ba?" imbis na tanong nya. Nagpatuloy lang sya sa pagtupi ng mga damit.

"Yes po, kanila Ate. May lakad nga pala ako ngayon." pagpapaalam ko.

"Saan ka naman pupunta at sino ang kasama mo?" tanong nito.

"Manonood ng laban ng Meteorite. Kasama ko si Marceline." sabi ko tapos humiga.

"Makakalaban ninyo muna ang Shakers pero Meteorite agad ang papanoorin ninyo." sabay kaming napatingin ni Mama Alicia sa pintuan. Nandon si Sora na masungit na nakatingin samin. Ganyan sya kapag bagong gising, halatang beastmode.

"Sila Stace naman ang manonood ng laban ng Shakers ngayon." sabi ko at bumalik sa pagkaupo sa higaan.

"Whatever, doon muna ako sa kwarto mo. Ang ingay sa labas." sabi nya at iniwan kami ni Mama Alicia.

"Ang sungit talaga non kapag kulang sa tulog kaya dapat hindi mo pinupuyat eh." panunukso ko at nakatanggap naman ako ng hampas kay Mama. Ang saya lang dahil para kaming tropa ni Mama pero syempre, ginagalang ko pa rin sya. Masaya lang talaga na kapag ang magulang ay natuturingang mong kaibigan.

Pagsapit ng tanghali, pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kanila Mama na aalis na. Pinahiram ako ni Sora ng sasakyan nya para hindi na daw kami mahirapan mag-commute. Sinundo ko si Marceline sa kanila. Kaming dalawa lang ang manonood na himalang nangyari simula nung naging sila ni Blythe, kapag may lakad kasi kaming dalawa laging kasama si Blythe kaya nakakagulat na niyaya nya akong manood ng laro ng Meteorite.

Nakarating kami sa Arena, bago kami bumaba ay nagsuot kami ng sumbrero at sunglasses. Hindi naman sa pinagyayabang pero pinagkakaguluhan na kami simula pa nung natalo namin ang Shakers tapos ngayon ang Miracle.

Hindi na kami bumili ng drinks at snacks ni Marceline. Nagtungo na agad kami sa loob. Nag-uumpisa na ang laro nung dumating kami pero limang minuto pa lang nakakalipas simula nung nagsimula. Hindi na kami lumapit pa sa court. Nakatayo kami sa gilid habang nakatingin sa court.

"Hindi naman maglalaro yung tatlo sa larong ito." sabi ko kay Marceline.

"Alam ko pero nagbabakasakali lang ako." sabi nya. Nagtataka ako kung bakit ganon na lang sya kainteresado sa Meteorite. Simula nung sinabi sa kanya ni Stace na sya ang sunod na captain ng Dragon Empire, masyado na syang tutok sa Summer Cup. Nararamdaman kong katulad din nila Stace itong si Marceline kapag naging captain sya.

"Sino ba gusto mong makitang maglaro?" tanong ko rito.

"Si Asta." sagot nya na ikatingin ko sa kanya. "Sabihin natin na magaling mag-point guard si Abi at Nicole pero mas magaling si Asta lalo na isa rin syang shooter. May dalawa syang choice sa bawat laro nya. Sa kanilang lahat, si Asta ang mahirap talunin." well, may point sya don kaya siguro talaga hindi naglalaro si Asta dahil mahirap syang talunin.

Natapos ang laro ng Meteorite na hindi naglaro ang isa sa tatlo. Akala ko mukhang lugi si Marceline dahil hindi nya nakita maglaro si Asta pero seryoso pa rin. Nakakagulat talaga na seryoso ang taong ito. Sanay ako na pilyo ito eh.

"Punta tayo sa bahay ng Dragon Empire." sabi nya habang pabalik kami sa kotse.

"Ano meron?" tanong ko. Sabay kaming pumasok sa kotse ni Sora.

"Hihiramin ko yung mga tapes ng laban ng Meteorite." sagot nya habang inii-start ko ang engine.

"Masyado kang tutok sa Meteorite ah? Shakers muna ang makakalaban natin bago sila." sabi ko. Pinaandar ko na ang sasakyan patungo sa bahay ng Dragon Empire. May ilan-ilan na doon natutulog at kapag may meeting ay doon kami nagpupulong-pulong.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now