💕 Thirty 💕

25 1 0
                                    













~Flashback~






(Phaesie's POV)







Naglalaro kami ng Volleyball ni Queen sa backyard namin. Nang iserve niya na yung bola sakin, napalakas yung pag palo niya kaya napadpad sa labas yung bola. Agad namang nag sorry si Queen. Wala akong choice kundi kunin yung bola. Tumakbo ako papunta sa kabilang bahay. Napansin kong may sasakyan at truck na nakaparada. Bagong neighbor siguro namin. Matagal na rin kaseng bakante yung bahay.

At naalala ko kung ano yung pinunta ko dito... Yung bola!

Kukunin ko na sana yun, naunahan ako ng lalaki. Siya na mismo yung lumapit saken at binigay yung bola. Nag thank you ako bago umalis. Well, nahihiya ako kaya di ko na siya kinausap pa.



Pagbalik ko, sinabihan ko si Queen na may bagong lipat sa kabilang bahay at ininform niya agad si Mom kaya automatic nag handa ng pagkain si Mom para ibigay sa bagong neighbor namin.

At dahil diyan, kami ni Queen yung inutusan para ibigay yung food. Hays..


Bitbit ko ang isang tray ng Carbonara at Cake naman kay Queen. Pagdating namin sa tapat ng pintuan nag aaway pa kami ni Queen kung sino yung mag dodoor bell.

Ang ending? Bumukas nalang bigla yung pintuan at bumungad samin yung lalaki na nakapulot ng bola kanina.

"Hi! Gusto lang pala namin na i welcome kayo sa neighborhood na ito." Bati ni Queen at saktong lumapit yung Isang babae.

"Eto nga pala yung welcome gift namin para sainyo. Hope you like it. Gawa pa yan ng mom namin."

Napangiti naman yung babae at kinuha samin yung dala naming food.

"Awwwwe Thank you! Ano nga pala yung pangalan ninyo?" Tanong niya samin.


"Ako nga pala si Phayge, eto naman si Phaesie." Nakangiting sabe ni Queen.


"Nice to meet you both.. pasok muna kayo." Aya samin ng Babae kaya sumunod kami.


Dumeretso na kami sa Dining nila at pinaupo kami.




"By the way, I'm Song Cheena. You can call me Tita Cheen. And that's my son, Song Theo." Turo niya sa lalaking nakaupo sa sofa habang naglalaro ng PSP.

Mahilig rin pala magluto si Tita Cheen. Makikita mo kaseng pareha sila ng style magluto ni Mom. Mala master chef e.


Nang matapos ng magluto si Tita, inaya na namin si Theo na kumain.



"Siya nga pala.. saan ba kayo nag aaral?" Tanong ni Tita samin habang nag slislice ng steak.


"Ah.. sa SM University po.." sagot ni Queen.


"Really? Diyan ko rin ipapa enroll si Theo ngayong pasukan."


"Talaga po? Mabuti naman ho kung ganon. Ah.. anong year na po ba siya?"



"Mag fifirst year na siya hija." Sagot naman ni Tita.




It was only just a dreamWhere stories live. Discover now