💕 Thirteen - She's my Ex girlfriend 💕

29 4 0
                                    



-(Chanyeol's P.O.V)-

Pagkatapos kong maglinis sa kwarto ni Phae, sa salas na naman ako naglinis at ilang minuto ang nakalipas naligo agad ako. Sa gitna ng pagliligo ko nakarinig ako ng katok sa pintuan. Nagmamadali na ako sa pag banlaw at ipinulupot ko sa beywang yung towel. Agad naman ako tumungo sa pintuan para buksan ito. Laking gulat ko lang na bumungad sakin si Queen Noona at Jesper.

Ba't andito sila? At magkasama pa talaga sila ah..




"Chanyeol?!" Sabay sabi nila.




"Noona? Jesper?"




"Anong ginagawa mo dito, Chany?" Tanong ni Noona at sabay na silang pumasok ni Jesper sa loob.



"Ako yung nag aalaga sa kaibigan ko. May sakit kasi siya.. Maupo muna kayo magbibihis lang ako saglit." Tumungo na ako sa kwarto para magbihis. Paglabas ko nadatanan ko silang nag uusap.


"Nga pala Queen. Napadalaw ka?"


Biglang tumunog yung phone ni Jesper.


"Excuse me." Tumayo siya at lumabas  para sagutin yung tawag.



"Binisita ko lang yung kapatid ko." Sagot niya.



"Kapatid? Magkapatid kayo ni Phaesie?"



"Yes, Chany."


"Siya si Princess? Yung kapatid mo na lagi mong kinukwento kay Noona?" Tanong ko ulit.

Tumango siya at inilagay yung mga pagkain sa fridge.



"Kaya naman pala sobrang familiar ng mukha ni Phae sakin. Magkamukha nga talaga kayo." Tinulungan ko na siya sa pag arrange ng pagkain.





Nagpaalam naman agad samin si Jesper kasi kailangan na siya ng mga kaibigan niya.



"Magkaibigan pala kayo ni Jesper?" Tanong ko kay Queen habang nag hahanda ng meryenda.



"Actually, kanina lang rin kami nag meet. Nasiraan kasi ako ng sasakyan tapos tinulungan niya ako at siya na rin yung nag offer na ihahatid niya ako."





"Ahh.. kaya naman pala. Mabuting bata talaga yang si Jesper. Pinsan ko yan eh."


"Close kayo?" Tanong niya sakin.



"Di masyado. Minsan lang din kasi yan umuuwi dito sa pinas. Siya kasi yung namamahala ng isa sa kanilang company sa ibang bansa." Sabi ko at tumungo na kami sa kwarto ni Phae para bigyan siya ng pagkain.


Ginising namin si Phae para kumain at nagulat siya ng makita si Queen.



"Hi Princess." Lumapit sa kanya si Queen at niyakap siya nito.


"Bakit andito ka Queen?" Tanong niya at umupo siya ng maayos.


"Binisita ka. Nagkasakit ka daw sabi ni Baek eh nag aalala ako. May dala akong fruits at nagluto si Chany ng soup for you."

Inilapag ko ang pagkain sa side table at umupo sa tabi ni Queen.


"Kung maka Chany ka naman. Close ba kayo?" Tanong ni Phae at nginitian siya ni Queen.


"Di niyo talaga kilala ang isa't isa ano? Hahahahaha. Siya kasi si Doby, Princess. Kapatid ni Yoora."



"What the?! Doby?! Ikaw si Doby?!" Gulat na gulat si Phae eh.


It was only just a dreamKde žijí příběhy. Začni objevovat