💕One - Bacon💕

157 18 16
                                    



-(Phaesie's POV)-





Nagising ako ng maramdaman kong may humalik sa pisnge ko, dahan dahan kong minulat ang aking mata at nakita kong nakangiti si Queen, ang maganda kong ate. Habit na rin kasi niyang gisingin ako tuwing umaga, parang siya yung nagsilbing human alarm clock ko.


"Good Morning, Princess. Breakfast is ready!"


Nginitian ko siya at bumangon.


"Good Morning too, my Queen"


Inayos niya muna ang buhok ko bago siya tumayo at hinintay niya ako para sabay na kaming lumabas ng kwarto. Pagbaba namin ng hagdan nakita agad namin si Mom at Dad na naka upo sa dining table. tumabi ako kay Mom si queen naman kay Dad.



"Late ka nanaman bang natulog kagabi Princess?" Tanong ni Dad.

"Yes Dad. Magkausap kasi kami ni Baby kagabi di na namin namalayan yung oras." Sagot ko.

Sumingit naman si Mom sa usapan.

"Baby? May boyfriend ka na pala princess? Ba't di mo man lang pinakilala sa'min? Kailan lang?"

Tinaasan ako ng kilay ni Queen at tiningnan ng masama.

"Si Sehun yung tinutukoy kong baby. Di ko nga pala na sabi sainyong mommy na ako nun. Alam niyo namang laging nagpapababy yun sa'kin tapos nakasanayan niyang tawagin akong mommy wala naman akong problema dun kaya inangkin ko nalang, atsaka wala pa akong boyfriend ano... kung meron man papakilala ko agad sainyo. Alam niyo na yun." Sagot ko at nag umpisa ng kumain. Nagsalita naman ulit si Dad.


"Akala ko naman kung may boyfriend na.. si Sehun lang pala.. hehehehe! Sya nga pala princess anong oras ka nga pala aalis? Naka ready na ba lahat ng gamit mo? Ihahatid kana namin ng Mom mo."



"After breakfast yung napagusapan namin ni Bacon dad eh. Naka ready na po.. ay nako! wag na po dad..si Queen nalang daw maghahatid sakin don gamit yung car ko. Gusto niya rin kasing makita yung apartment eh."

Tumango lang si dad at bumalik sa pagkain.

Naisipan naming mag Apartment ni Bacon kasi malayo yung Shop dito sa'min more or less 3 hours yung byahe depende sa traffic. Pumayag naman si Mom at Dad kahit masakit sa kanilang kalooban na mapahiwalay ako sa kanila.

Nagtaka kayo kung bakit Queen at Princess yung tawag nila samin magkapatid? Eto.. ieexplain ko.

Ganito kasi yun, Nang mabuo na si Queen, plano nila na siya lang talaga yung baby at wala na silang balak magka baby ulit para dito lang sila mag fo-focus at i-ispoiled nila at ang naisipang Nickname nila dito ay "Queen". Nang mag 5 years old na si Queen napansin niyang may kulang kahit na ibinuhos na lahat lahat sa kanya. Gusto niyang may kalaro siya di lang yung si Mom at Dad lang. kaya nag request si Queen sa kanila na gusto niyang magkaroon ng kapatid at sana daw ay Girl para tatawagin niya itong Princess. Sinuwerte naman si Queen at natupad talaga ang kanyang request na magkaroon ng Princess sa buhay niya. Si Queen talaga ang dahilan kung bakit nag exist si Princess


Phayge Evealle Autumn Tan a.k.a "Queen"
Maganda (pareha lang naman kami ni ate hahaha madami nga nagsasabing para lang kaming magkakambal) pero Mas maganda talaga yung ate ko QUEEN siya eh. Super bait at love na love ako. Lagi niya rin akong iniispoiled.
BS-HRM Graduate. May ari ng "Queen P. Collections" isang Boutique Shop.

It was only just a dreamحيث تعيش القصص. اكتشف الآن