💕 Fourteen - Sleepover 💕

29 5 0
                                    

Start writing your story





(~Baekhyun's POV~)


3 days akong nawala sa Cafe dahil nga nagbakasyon sa Cebu. Eto ako ngayon nag da-drive pauwi ng Apartment para na rin iwan tong mga bagaheng dala ko at ayusin 'tong pinamili kong pasalubong para sa tropapeeps.

Nakita kong nakaparada ang sasakyan ni Chan sa labas ng Apartment. Dito ba siya natulog ulit? Aba aba! Parang cinareer naman ata niya yung pag alaga at pagsama niya kay Phae. Sa pagkaka alam ko okay na si Phae. Hmmmmm. Baka naman hiniram ni Phaesie yung sasakyan niya kaya andito.. ay baka nga.. Pero andito naman yung sasakyan ni Phae ba't niya pa hihiramin? Hmmmmm.. baka iniwan lang ni Chan dito.. ay may point. Hay nako kung ano ano na naman ang iniisip ko! Pati yung sasakyan e ginawan ng issue. Di na healthy Baek ah! What the?! Para na akong baliw! Kinakausap ko yung sarili ko Hahaha! Gutom lang ata yung alaga ko sa tiyan e.


Pagbukas ko ng pintuan kitang kita na agad yung sala na sobrang linis. Wow! Andaning time ni Princess mag linis ah. Tumungo na ako ng kwarto at inilapag ko yung gamit ko sa sahig. Tulog pa kaya si Phae? Chineck ko yung oras at 9:43 a.m na. Himala ata na di pa siya gising ngayong oras. Puntahan ko kaya siya sa kwarto niya. Pagbukas ko ng pinto laking gulat ko nang bumungad sakin ang isang Park Chanyeol na walang suot na shirt.


"Hoy Yoda! Anong ginagawa mo dito sa kwarto ni Phae? At bakit wala kang suot na damit?" Tanong ko sa kanya. Di man lang ako pinansin ng malaking tenga at lumabas na siya ng kwarto.


"Bingi ka ba?! Kinakausap kita Yoda!" Sigaw ko sa kanya at sinundan siya sa kitchen. Uminom muna siya ng tubig bago magsalita.


"Kay aga-aga sumisigaw ka! Ano pa ba dapat kong gawin sa kwarto? Edi natulog!" Sagot niya at umupo na at pinaandar ang t.v


"Ay ganon? Pwede naman sigurong magdamit ka ano?" Sabi ko at tinabihan siya sa sofa.


"Mainit kagabi e di na rin ako nakapag on ng aircon."


"Ba't nasa kwarto ka ni Phae natulog aber? Nasaan na pala siya?" Tanong ko sa kanya habang nakatutok sa t.v


"Andoon sa kwarto niya. Sinamahan ko na rin siyang natulog doon."





"Mabuti naman at ———- ANO KAMO?!" napasigaw naman ako ulit.

"Magkasama kayo sa kwarto? So, magkatabi kayo?" Tanong ko sa kanya.


Tumango siya at di ako makapaniwalang magkasama na naman sila sa iisang kwarto! Di talaga ako nagkamali ng iniisip kanina e. Kaya sinuntok ko si Chan sa braso.


"Aray! Ano bang problema mo at sinuntok mo ako?! Masakit ah!"


"Sino ba kasing may sabi na pwede kayong magkatabi sa pagtulog? At ano ginawa mo sa bestfriend ko?! Nako chan! Sinasabi ko talaga sa'yo makakatikim ka talaga ng kulam kay kyungsoo!" Sinusuntok ko pa rin siya sa braso.


"Lakas rin ng tama mo ano?! Ang ingay ingay mo! Magigising talaga si Phaesie sa ginagawa mo! At ano klaseng tanong yan?! Sinamahan ko lang siya dahil natatakot siya at kailangan niya ng kasama! Baliiiiw! Kung ano ano pa talaga ang pumapasok sa isip mo! Naka baekla mode ka ba ngayon? Ang daldal mo! Nakakabingi na!" Iritang sabi niya.


E sino ba naman ang di mag iisip ng something e magkatabi silang natulog at wala pa talagang suot na damit ang mokong. Duh?! Pake niya ba kung maingay ako! E sa trip kong mag baekla mode ngayon.


"Sa susunod kasi wag mo nang tabihan si Phae. Baka ano pa talaga maisip ko!"


"Ikaw lang 'tong marumi ang utak e! Pa vaccuum mo nga para luminis naman suggest ko lang. "  at ako pa talaga yung marumi ang utak ngayon! Sasabat pa sana ako ng mag ring yung phone ko. Pasalamat nalang talaga si laki tenga at may tumawag sa'kin!





It was only just a dreamWhere stories live. Discover now