💕 Two - Dream 💕

96 8 2
                                    



-(Phaesie's POV)-



Nagpaalam na kami ni Queen kela Mom at Dad. Pumasok na kami ng sasakyan at nagsimula ng mag Drive si Queen. Dumaan muna kami ng Mcdo para mag drive thru kasi nagugutom ulit ako. Inorderan ko nalang din si Bacon baka kasi magtampo di ko man lang binilhan ng pagkain. Medyo tahimik kami sa byahe kaya naisipan kong magpa music. Ilang minuto na yung lumipas nang magsalita si Queen.


"Kayo lang ba dalawa ni baek yung mag o-occupy ng room, Princess?"


"Yep Queen. Medyo malaki nga yung place para sa'ming dalawa eh."


"Mabuti naman kung ganon.. para mas comfortable kayo. Kung may kailangan ka nga pala tawagan mo agad ako ha?"



"Don't cha worry my Queen. Kaya ko na talaga sarili ko."


napangiti si Queen sa sinabi ko.


"Alam mo namang di kami sanay na wala ka sa bahay. Hayaan mo kung may free time ako bibisitahin kita sa Apartment niyo."



"Talaga? Ayiiie miss mo agad ako ano? Nakooooo. Clingy naman ng Queen. Kaya love kita eh."


Niyakap ko yung braso niya at hinalikan niya ako sa pisnge.


"Love na love din kita Princess. Wala na akong gigisingin tuwing umaga. Nakaka sad naman."




"Hahahaha tawagan mo nalang kaya ako every morning? Para may gigisingin ka pa rin."




"Ay oo nga noh! Ba't di ko naisip yun? Hahahahaha sge tatawagan nalang kita."









Pinark na ni Queen sa harap ng Apartment ang sasakyan at lumabas na kami. Sinalubong agad ako ng yakap ni Bacon pagkalabas ko ng sasakyan.






"Hi Sweetie!"

Kumawala na ako sa yakap at tiningnan siya ng masama.



"Sweetie ka dyan!!"


di na niya ako pinansin at lumapit siya kay Queen para batiin ito.



"Hello my Queen. Tutulungan na kita dyan"


Tinaasan siya ng kilay ni Queen.


"Sweetie huh? Di ka pa ba nakaka move on sa Princess ko? Buti pumayag siya na kayo ang magkasama dito sa Apartment."




"May choice pa ba siya? Eh ako lang naman ang nag iisang bestfriend ng Princess mo. Hmmm Di pa ako nakaka move on. Pero malapit na hahahahaha. Ang sungit kasi."


Duuuuh! Kaya ko naman mag isa sa apartment ah. Siya lang yung gustong samahan ako. Bago pa magsalita ulit si Bacon inabot ko sa kanya yung inorder ko sa Mcdo.


"Oh. Baka magtampo ka pa."



"Ayiiie..... Sweet mo naman Love mo talaga ako noh? Ayiiie Thank you dear."


Hay nako kung ano ano nalang talaga tinatawag sa'kin ni bacon. Di ko nalang pinansin at binuhat na namin yung mga gamit ko papunta sa loob ng Apartment. Inayos ko na agad yung gamit ko habang si Queen chineck yung place. Sa left side yung dalawang separate rooms with cr na rin sa right yung kitchen at dining at sa gitna yung mini living room na tinatawag nila. Pero di naman talaga siya Mini! Ang laki naman ata para maging MINI living room. Malaki nga din yung TV namin dito eh.

It was only just a dreamWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu