💕 Five - Summer (Pt.2) 💕

65 8 2
                                    






-(Kai's P.O.V)-

~Flashback~

-1st year HS days-

I'm Kim Jong In a.k.a Kai,
I love singing especially dancing.
Di rin ako masyadong friendly. May bestfriend naman ako and he's Osh Oh Sehun. Di kami same ng pinapasukang school kaya mas lalong boring yung HS life ko. Sa tuwing uwian lang yung time na magkakasama kami.


Fudge! I'm late! Malapit na kami sa school ng biglang nag traffic. Really???! Ugh!!! Naghintay pa ako ng ilang minuto pero di pa rin gumagalaw yung sasakyan! Wth?! Binuksan ko yung pintuan ng sasakyan at nagmadali na akong tumakbo papunta ng school. Bahala na! Ayaw ko namang ma late sa program mahirap ng wala kang maupuan don! Pagdating ko sa gate ng school iniabot agad ng guard sa'kin yung Late slip. Not again.. pangatlong late ko na 'to ngayon. Pag umabot ako ng lima masususpended ako and dad's gonna kill me! Wala na akong magawa. Sinulat ko na yung pangalan ko at pumasok na sa loob.
Agad akong napahinto sa paglalakad ng hinarangan ako ng isang babae. Ooooooh Ngayon ko lang siya nakita at ang ganda niya. Tiningnan ko yung suot niya. Naka white siya na top na may girlscout na print at naka skirt na color green sa tingin ko siya yung President ng girlscout. Tinaasan niya ako ng kilay bago ito magsalita.

"Hep hep! Saan ka pupunta?"

Tinaasan ko rin siya ng kilay

"Sa Gym.. may program db?"


"Yes at sumama ka sa'kin. Ihahatid kita sa upuan mo."

Tumango nalang ako at sinundan siya patungong gym. Di ko mapigilang tingnan siya habang naglalakad. Ang ganda niya pa rin kahit nakatalikod. Ano bang meron sa babaeng 'to ba't di mawala yung paningin ko sa kanya...
Di ko namalayang hinawakan niya yung kamay ko at pinaupo sa isang plastic chair. Tiningnan ko siya ulit at nginitian niya ako. Wth?! Mas gumanda siya pag nakangiti!
Tinawag niya yung isang girlscout at tinanong niya ito.

"May vacant seat pa ba?"

Umiling yung tinanongan niya.

"Wala na po Ate eh." Sagot ng babae

"Okay, thank you! Balik ka na doon at bantayan mo kung sino yung lalabas ng gym ah? Dito na ako uupo at magbabantay."

Tumango yung babae at bumalik sa kanyang upuan.

Umupo siya sa tabi ko at naka focus siya sa paligid ng Gym. Hanggang ngayon tinititigan ko pa rin siya. Di kasi nakakasawa yung kanyang beauty.. Umiwas lang ako ng tingin ng napansin niyang nakatitig na ako sa kanya ng matagal.

"May dumi ba ako sa mukha? Kanina ka pa nakatingin eh" tanong niya habang hawak niya ang kanyang mukha.

Umiling ako at tiningnan yung kamay ko na nakapatong sa lap. Nahiya na akong tingnan siya. Di na siya nagsalita ulit. Nag start na yung program at yung unang nag perform ay yung nasa Dance club. Dahan-dahan kong binalik yung tingin ko sa kanya at nakatingin na siya sa nag pe-perform sa stage. Ang ganda niya talaga.. ano kaya yung name niya? Tiningnan ko yung I.D niya. Naka tagilid eto ng konti at nakita ko lang ay yung Summer Tan. Summer? Cute naman ng name niya. Bigla siyang tumayo tiningnan ko siyang lumakad palabas ng Gym. Di ko man siya gaanong nakasama pero atleast may nalaman ako kahit summer lang yung nakita kong name niya. Hahahahaha di ko talaga alam kung anong meron sa kanya at bakit nagustohan ko siya


-Next Day-

Club Time namin ngayon at hinintay pa naming dumating si Mrs. Lee coordinator ng Music Club.
Nakakabored ng maghintay dito sa loob ng room ng walang nakakausap. Nagpasya akong lumabas muna at pumunta ng canteen para kumain. Naglakad na ako sa hall at nahagip ng mata ko si Summer (yung crush ko) tumakbo ito papuntang field. Sinundan ko siya at nagtago ako sa isang Narra tree na malapit lang din sa field. Nagbigay siya ng instructions sa ibang girl scouts para sa kanilang activity. Nag proceed agad sila sa kanilang activity at si Summer naman inaayos yung ibang gamit para siguro yun sa next activity nila. Nagugutom na talaga ako at tumungo ng Canteen para bumili ng pagkain. Bumili ako ng Sandwich at Chocolates. Naisipan kong bumalik kung nasaan si Summer at ibigay yung Chocolates sa kanya. Pagkadating ko ng Field nawala na siya pero yung mga gamit andoon parin. Nakita ko yung isang girlscout papunta sa pwesto kanina ni Summer at nilapitan ko ito.

"Excuse me."

Lumingon siya at tinanong niya kung ano'ng kailangan ko.

"Pakibigay nga pala to kay Summer sabihin mo galing sa isang late comer student."

Inabot ko sa kanya ang chocolates at umalis na agad. Di pa ako nakakalayo biglang niya ako tinawag ulit at nilingon ko siya at lumapit sa'kin.

"Si Ate Phaesie ba yung tinutukoy mong Summer?"

Ahhh. Phaesie pala talaga yung name niya.
Tumango ako at tumalikod na sa kanya at tumakbo pabalik ng classroom.

Every Clubtime lagi ko na siyang binibigyan ng Chocolates pero patago pa rin atsaka minsan pinapaabot ko sa iba.


After 2 weeks
Nalaman ko yung Fullname ni Summer sa classmate kong kakapasok lang ng Girlscout club.





Phaesie Iethalynne Summer Tan.
What a nice name :)
Pero mas gusto ko pa rin siyang tawaging Summer.







Ilang months ang nakalipas nabalitaan ko nalang sa classmate ko na may boyfriend na si Summer at President pa ng Boy scout. Nang malaman ko ang balita huminto na ako sa pagbibigay ng Chocolates sa kanya pero, di pa rin ako huminto sa pag check sa kanya tuwing club time.






Di rin nagtagal nag break sila pero di ko alam ang dahilan kaya bumalik na ako sa pagbibigay ng Chocolates at may kasama pang Flowers. Nag level up na! 😉








Umabot na yung time na Graduation Day na niya at ito na ang huli araw na makikita ko siya dito sa school. Pumunta talaga ako para lang makita siyang tanggapin yung kanyang diploma at para support na rin heheheh.
Tinawag na yung pangalan niya at nang makatungtung na siya sa stage isa ako sa mga taong pumalakpak ng malakas. Ang ganda talaga ng ngiti niya isa talaga 'to sa hinding hindi ko makakalimutan sa kanya.
Nang matapos na yung program. Nag request ako sa isang photographer na kunan ng Picture si Summer at pinabigay ko sa kanya yung Bouquet of Chocolates at may kasamang isang maliit na card at nakasulat do'n ay.....







Congratulations My Summer❤️


From: K.J.I (late comer student)








——End of Flashback——

It was only just a dreamWhere stories live. Discover now