EP22- TRY OUT.

4 0 0
                                    


Ngayon na pala ang araw ng try out!
Syempre handa nako noh. Bumili nako ng mga protective gear ko para hindi ako masugatan if ever na matumba man ako or what.

Busy akong nilalagay ang protective gear ko Habang Nakacrossarms lang si cynthia at pinapanuod ako sa ginagawa ko.

Malapit ng mag simula ang try out at dumadami narin ang mga studyante na manunood. Pero dahil girls volleyball ito mas marami ang nanunuod na lalake.

"Girl mag helmet kana rin kaya?" Sarcastic na sabi ni cynthia sakin. Binigyan ko naman siya ng you're-weird-look.

Like duhh bat ako mag hehelmet eh di naman kailangan sa volleyball yun tss.

"Kulang nalang ayaw mong padapuaan sa sahig yang balat mo"

"Eh bat ba? Eh kung magasgasan ako?"

"O.a na kase friend, try out palang tayo hahaha"

Sinamaan ko siya ng tingin.
Ano bang oa dito, eh nag lagay lang naman ako ng knee pad sa tuhod ko pati sa siko. Tas arm sleeves.

"Galingan mo shin!" Bati sakin ni nate.

Oo nga pala alam na ni cynthia ang tungkol sakanya at sa family ko. Alam mo naman to, di nahuhuli sa mga bagay bagay tungkol sakin. Bestfriend ko ata toh! Di tulad ng isa dun!

Oo , ayun oh! nakaupo kasama ng mga kateam niya. Bwisit.

Ilang araw nakaming di nag papansinan. Parang wala parin siya sa mood, tahimik lang siya sa isang sulok at pinapanuod ang mga player na nag papraktis.

Dinadamdam pa din siguro niya yung sinabi sakanya ng kapatid ko.

Tumalikod nalang ako sakanya para diko siya makita, alam ko naman na si era yung pinuntahan niya dito eh.

Maya maya pa ay tinawag na kami, andun nadin si Era. Eh mas Oa pala to sakin eh! May pabimpo pa sa likod Hahahah!

Parang bata tsss.

Pag tapos nun Nag simula na ang try out namin.

Hindi ko na idedetalye ang nangyare basta nakuha ako, kase magaling naman talaga ako at malakas ako tumira ng bola.

4 teams ang mag lalaban sa sportfest ng school namin sa susunod na linggo, at isa na ang team namin dun.

Mabuti nalang at hindi ko kateam si era. Oo nga pala, syempre nakuha rin siya kahit na puro pacute lang ang ginawa nya dun. Lakas kase ng hatak niya sa mga lalake na nag checheer skanya. Advantage daw nila kung marami mag chicheer sa team nila.

What a stupid mindset tss.

"Galing mo dun kanina shina! I'm so proud of you!" Cynthia. Habang minamassage ng balikat ko.

Sumulyap ako kung saan nakaupo si ace kanina.

Wala na siya dun, san kaya yun?
Napanuod niya kaya yung game ko?

Kinuha ko na ang gamit ko at magpapalit nako sa locker room, mag shoshower narin siguro ang lagkit ko na eh. Kadiri tska amoy pawis nako.

nag lalakad kami ni cynthia pero nag paalam din ito agad na babalik na sa classroom kaya pinauna ko na siya.

Excuse ako ngayon since para naman ito sa sportsfest ng school.

Habang naglalakad ako sa hallway ay diko napigilan na ikuyom ang mga daliri ko.

I saw ace. Running after her

Again.

Nakakainis bat ba siya patay na patay sa brat na yun!

Expensive Profit!Where stories live. Discover now